^

Pang Movies

DongYan, mala-brad pitt at Angelina Jolie ang bed scene!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
DongYan, mala-brad pitt at Angelina Jolie ang bed scene!
Marian Rivera at Dingdong Dantes

Gawa ng Nicole + Felicia Couture ang black gown na suot ni Marian Rivera sa GMA Gala 2024 at nang bisitahin namin ang Instagram account nito, nalaman naming sila rin ang gumawa ng ilang gowns na sinuot ni Taylor Swift sa The Eras Tour nito.

Pati pala ang American actress na si Eva Longoria, client din ng Nicole +Felicia Couture.

Si Marian kaya ang first Filipina celebrity na nagsuot ng gown ng Nicole +Felicia Couture? Sa IG nila, may nabasa kaming mga pangalan ng Filipino celebrities na naka-follow sa kanila, pati mga Filipino designer.

Anyway, pinakilig nina Marian at Dingdong Dantes ang DongYan fans sa special feature na pinost ni Marian sa IG niya. Parang love story ang special and short feature at may bed scene pa ang mag-asawa.

Ang daming nag-react sa special feature ng Dantes couple na sila lang ang nakaisip. Pati si Heart Evangelista napa-react at may mga nag-comment na pinagpawisan sila sa kanilang napanood. May mga naloka at may nagkumpara sa kanila kina Brad Pitt at Angelina Jolie sa Mr. & Mrs. Smith movie.

May nag-comment naman na parang trailer ng movie ang ginawa ng DongYan at may salbaheng comment na ‘yun ang ginawa ng DongYan after the GMA Gala 2024. Pero, malinaw na kinunan ang special feature bago sila nagbihis for the event.

Herlene, sinadyang magpahulog para pag-usapan?!

Grabe ang netizens, nahulog o nadapa at napahiya na nga si Herlene Budol sa stage habang rumarampa sa GMA Gala 2024, ang sama pa ng mga sinasabi. Sinadya raw nito ang mag-trip sa stage para pag-usapan siya at para makasama siya sa pag-uusapan sa event.

May tumawag pang bulok ang ginawang style para mapag-usapan siya at scripted ang lahat. May nabasa pa kaming comment na baka gutom lang ito kaya nadapa at may nagtanong pa ang kanyang gagawin for clout? Pinalabas na clout chaser ito.

May nagtanggol naman sa kanya, hindi raw nito sasadyain na madapa sa harap ng maraming tao at mapahiya, masaktan at ma-bash. Ang hirap daw maglakad sa gown na ginawa para sa kanya ni Leo Almodal at kung high heeled shoes ang suot, lalong mahirap.

May comment si Herlene sa nangyari sa kanya. “Sa buhay kapag nadapa ka, bumangon ka. Hangga’t may buhay, may pag-asa. Walang susuko para sa Pamilya.”

Si Barbie Forteza ang unang sumaklolo kay Herlene at hindi nito naisip na baka pati siya madapa dahil naka-gown din siya at naka-high heels.

Kyline, pinintasan sa suot na wig

Bukod sa pangpi-friend zone raw ni Kobe Paras kay Kyline Alcantara sa gabi ng GMA Gala 2024, nang sabihing hindi pa niya ito tinatanong to be his girlfriend, isa pang isyu sa Kapuso aktres ang suot na wig.

Para sa ibang fans ni Kyline, hideous ang suot niyang wig at nakasira sa sana ay perfect look niya that night. “The hair wasn’t giving but the rest is breathtaking,” comment ng isang netizen.

May nagtanong pa kung kanino bang idea na pagsuotin siya ng wig, puwede naman daw inayos na lang ang buhok nito. Nevertheless, maganda pa rin siya at bagay sa kanya ang gown at jewelry na isinuot.

Now back to Kobe, hindi pa raw pala sila ni Kyline, bakit may pa-kiss na siya sa noo nito? Bakit nakahawak siya sa bewang ng aktres habang kini-kiss ang noo nito at bakit holding hands sila ‘pag naglalakad?

Pero, may mga natuwa na wala pa silang relasyon, sila ‘yung mga ayaw kay Kyline for Kobe. Mas gusto pa rin nila ang ex ni Kobe na si Erika Poturnak, ‘yung anak ni Ina Raymundo. May mga ayaw rin kay Kyline for Kobe dahil hindi raw ito bagay kay Kobe.

Ang daming paladesisyon kina Kobe at Kyline, wait na lang natin ang mga susunod na mangyayari. Kung magiging sila pa ba o hindi na.

vuukle comment

DINGDONG DANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with