^

Pang Movies

Kampo ni Ivana, may sagot sa intriga sa kanila ni Kim

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Kampo ni Ivana, may sagot sa intriga sa kanila ni Kim
Ivana Alawi at Kim Domingo

Mas titindi pa umano ang mga bakbakan sa FPJ’s Batang Quiapo matapos purihin ng mga manonood ang salpukan ni Coco Martin sa bagong pasok na karakter ni Kim Domingo.

Pasabog nga agad ang maangas na karakter ni Kim bilang si Madonna dahil hinamon niya ng makapigil-hiningang bakbakan si Tanggol. Bagama’t hindi pa klaro kung bagong kalaban o kasangga si Madonna, dapat diumanong abangan kung anu-anong mga pagsubok ang dadalhin niya sa pagpasok sa buhay ni Tanggol.

Sa pagpapatuloy ng FPJ’s Batang Quiapo, muling magku-krus ang landas nina Tanggol at Madonna na aabot sa tutukan ng baril. Pero isa lang iyon sa mga balakid na haharapin ni Tanggol dahil sa isang hindi inaasahang pagkakataon, nakatakdang magtipun-tipon ang buong pwer­sa ng kanyang mga kalaban sa pagbisita nila sa burol ni Pablo Caballero.

Pinuri naman ng netizens ang mala-Hollywood fight scenes ni Kim at excited na rin sila sa susunod pang mga maaaksyong engkwentro nina Madonna at Tanggol.

“Parang pang Hollywood yung aura. plus yung acting skills niya kahit facial expressions pa lang dama mo na yung angas,” komento ng isang TikTok user.

“Parang si Kim Domingo ay si Angelina jolie sa dating at aksyunan,” post naman ng isa pang netizen.

At least napansin si Kim na parang matagal na ring natutulog ang career.

Pero anyare kaya sa lovelife ni Kim?

May na-in love sa kanya noong billionaire pero diumano’y meron nu’ng boyfriend na player si Kim.

Samantala, sumagot naman ang Star Magic sa mga intriga sa pag-alis ni Ivana Alawi sa Batang Quiapo.

Ayon sa inilabas nilang statement : “Nais ipaalam ng Star Magic na walang katotohanan ang mga bali-balitang lumalabas tungkol sa dahilan ng pag-alis ni Ivana Alawi sa FPJ’s ‘Batang Quiapo.’

“Magmula nang naging parte si Ivana ng serye, mainit ang naging pagtanggap ng publiko sa karakter ni Ivana na si Bubbles at ang tambalan nila ni Coco Martin kaya naman naging daan ito para humaba ang kanyang pananatili sa serye ng higit sa napagkasunduang tatlong buwan.

“Nagpapasalamat kami sa dedikasyon, pagmamahal at masayang samahan na ipinamalas ni Ivana sa kanyang mga katrabaho, at sa pagbibigay serbisyo sa manonood.

“Lubos din ang pasasalamat namin kay Coco at sa lahat ng bumubuo ng ‘Batang Quiapo’ sa oportunidad na ibinigay kay Ivana na maging bahagi ng nangungunang teleserye.”

Ba’t kaya naintriga kasi na ‘di kayang katrabaho ni Ivana si Kim?

Bossing Vic, isinisingit ang paglaro

May PlayTime rin pala si Bossing Vic Sotto.

Yup, sa kabila nga ng kanyang kaabalahan sa Eat Bulaga at paghahanda para sa Metro Manila Film Festival 2024 entry na The Kingdom, with Piolo Pascual, ambassador pala siya ng isang online gaming platform sa bansa.

Sa isang photo at video shoot nga kamakailan, sinamahan si Bossing ng mga executive ng PlayTime para sa paghahanda upang ilantad na naglalaro siya ng online game.

Mahigit apat na dekada na rin sa showbiz si Bossing Vic at kumbaga ay naabot na niya lahat ng mga level ng kasikatan from dominating noontime TV show ratings sa Eat Bulaga!; prolific and remarkable feat as a TV sitcom star; and movie actor and producer of commercially successful films, hindi siya tumitigil na palawakin pa ang kanyang lipad upang mapansin naman ang presensya online at harapin ang hamon bilang hari ng multimedia entertainment.

“It is truly heartwarming and a privilege to continue my mission to bring fun, entertainment and happiness in the daily lives of Filipinos, anytime and anywhere,” ani Bossing Vic sa isang bagong dagdag niyang trabaho.

Obviously hindi ito masamang gawin dahil tinanggap ni Bossing pero inuulit  niya‘wag paikutin ang buhay sa ganitong laro.

Mas importante aniya na maging responsible sa kahit anong gawin.

Samantala, first time nina Vic at Papa P sa isang pelikula na pang-MMFF pa.

Dennis, lalaban kina Vice, Piolo at Vic

MMFF-bound muli ang GMA Network ngayong taon dahil kasama sa unang batch ng finalists sa Metro Manila Film Festival 2024 ang upcoming film ng GMA Pictures at GMA Public Affairs na Green Bones.

Isa ang Green Bones sa mga inanunsyo nitong July 16 na kasama sa mga magtutunggali sa 50th year ng MMFF na pagbibidahan nina Dennis Trillo at Kapuso young actress na si Sofia Pablo.

Ito ay sa direksyon ni Zig Dulay na siya ring nasa likod ng Best Picture Firefly.

Ang screenplay ng Green Bones ay mula kay National Artist Ricky Lee at MMFF 2023 Best Screenplay winner at GMA Public Affairs Senior Asst. Vice President Anj Atienza.

Matatandaang umani ng papuri mula sa mga moviegoer at nag-uwi ng mga award sa loob at labas ng bansa ang Firefly.

Mukhang mainit nga ang magiging labanan sa MMFF50.

KIM DOMINGO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with