^

Pang Movies

Maxene, sinadyang lumayo sa pamilya

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Maxene, sinadyang lumayo sa pamilya
Maxene

Nagkaroon pala ng cool-off period sa kanyang pamilya ang anak ng yumaong Master Rapper na Francis Magalona na si Maxene Magalona.

Maaalalang may mga balitang hindi raw on good terms diumano sa kanyang pamilya si Maxene lalo na sa kanyang mommy na si Pia at kapatid na si Saab.

Nilantad niya kamakailan na nag-struggle siya sa kanyang mental health sa Updated with Nelson Canlas podcast at nakatulong daw ang kanyang ‘healthy distance’ sa kanyang pamilya sa healing journey .

Maaalala ring dumaan sila sa hiwalayan ng dating mister na si Rob Mananquil.

Naging parte raw ang pagputol niya ng koneksyon sa mga relasyon kahit pa pamilya pa ito para mahanap niya ulit at maintindihan ang kanyang sarili kung saan nanggagaling ang sakit.

Nilinaw naman niya na hindi niya sinisisi ang pamilya sa nararamdamang sakit pero natutunan niyang ang pagiging malapit nila ang nagdulot sa kanila na maging co-dependent family. Kaya mahalaga raw na habang tumatanda, ay lumayo muna para mas makilala ang sarili.

Kahit sobrang sakit daw at isa raw ito sa pinakamasakit na bagay na ginawa niya.

Ito rin naman daw ang naging payo ng kanyang psychiatrist at pinaliwanag niya ito kina Pia at Saab.

Na-appreciate raw nila ang absence ng isa’t isa at napatunayang “absence makes the heart grow fonder.”

Naging maayos na rin daw ang relasyon nila ni Saab pagkatapos mag-reconnect nakaraang taon. Nilantad din niya nakatira sila malapit sa isa’t isa at madalas magkita at binibisita rin niya ang mga anak nito.

Kaya sang-ayon daw siya na “time healed whatever wounds” kung anong meron ang pamilya nila.

Kaya magtiwala lamang daw sa Panginoon na pagbubuklurin muli nito sa tamang oras.

MAXENE MAGALONA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with