^

Pang Movies

Bading na opisyal, nahalungkat ang pagpunta sa gay bar

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Ang tsismis nga naman kahit na matagal nang panahon lumulutang pa. Dahil sa nauungkat na kabaklaan ngayon ng isang dating public official at ang pagkakasangkot pa niya sa ibang mga kasong illegal, lumulutang pati ang mga dating tsismis.

Isang kakilala namin ang nagpapatunay na ang opisyal nga ay bading, dahil noon daw araw na medyo bata-bata pa iyan, talaga raw napakadalas niyan sa isang gay bar na malapit sa GMA 7 dahil may alaga siya at binabakurang lalaki doon. Pero hindi raw iyan nakikita ng karamihan dahil kagaya rin ng ibang celebrities na customer ng gay bar, may nagagamit palang daanan ang regular customers ng gay bar sa likod noon na ang pasok ay diretso na sa VIP rooms, kung saan sila pumupuwesto nang hindi nakikita ng ibang mga nasa loob ng gay bar pero dahil sa one way glasses napapanood din nila ang nangyayari sa labas.

Doon sa VIP rooms na iyon, kung minsan ay nagaganap na rin daw ang mga himala depende sa usapan ng client at ng entertainer.

Iyon din daw ang dahilan kung bakit yumaman ang isang dating GRO sa nasabing gay bar dahil tinulungan siya ng bading na makapagnegosyo sa POGO. Ang trabaho niya gamit ang kanyang kotse ay sinusundo niya sa airport ang mga Intsik na tauhan ng POGO at ihahatid niya iyon kung saan mang POGO hub kailangang dalhin ang mga iyon at ang bayad daw ay limang libo kada ulo. Hatid lang iyon ha at sa isang hakot lima ang pasahero, eh nakakasampung hakot daw sa isang araw, kaya pala umasenso rin ang dating GRO. Pero may kapalit ang kanyang negosyo pagkatapos niyang maihatid ang mga Intsik sa POGO, kailangang makipagkita siya sa dating official na “kailangan naman niyang ihatid sa glorya.”

Dingdong, ayaw tantanan ng bashers

Galit na galit ang isang grupo kay Dingdong Dantes at hindi siya tinitigilan ng pamba-bash ng trolls na puro fictitious naman ang account, at iyon ay nagsimula lamang nang siya ay humarap para sa press conference ng Aktor PH at ng dalawampung iba pang mga samahang sibiko at relihiyoso na nag-eendorso kay Vilma Santos bilang national artist.

Natural si Dingdong ang gagawa ng endorsement bilang chairman ng Aktor PH, dahil siya ang pinakamataas na opisyal noon siya ang magsasalita. Hindi naman aksiyon lamang iyon ni Dingdong kundi napagkasunduan ng kanilang board at pinayagan naman ng general assembly nila.

Kaya kung kami ang tatanungin mali iyang grupo na sabihing ineendorso lamang ni Dingdong si Vilma dahil ninang niya. Sila ang nanguna sa nomination pero bukod sa Aktor PH may dalawampung iba pang samahan na sumama sa pag-eendorso, at hindi naman magagawa iyon ni Dingdong kung ‘di siya pinayagan ng board ng Aktor PH, at ng lahat ng kanilang mga miyembro.

Dennis, nagpaliwanag

Isa pang ayaw tigilan ng trolls ay si Dennis Trillo, dahil lamang sa isang off the cuff comment na “mayroon pa bang ABS?”

Sinabi ng managers ni Dennis hindi ang actor ang nagsabi noon dahil noong panahong iyon ay na-hack nga ang kanyang social media account.

Maging si Dennis ay nagsabi na nga, “Hindi ko masasabi iyon dahil may utang na loob din ako sa kanila, doon ako nagsimula.”

Hindi lang trolls, pati mga artista nila ay panay ang react sa lumabas sa social media account niya. Pati ang kanilang news department sumagot din na hindi naman daw sila nawala.

Aywan kung bakit nga ba napakalaking issue sa kanila noon.

Kaya kung tatanungin, may ABS CBN pa ba? Mayroon dahil content creator pa rin sila pero wala na silang network, hindi na sila radio and TV station.

GAY BAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with