^

Pang Movies

Marian, ‘di tinanggap ang double!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Marian, �di tinanggap ang double!
Marian

Pinasilip na ang ilang eksena ng Cinemalaya entry na Balota, ang pelikulang pinagbibidahan ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, sa katatapos lamang na Cinemalaya press confe­rence nitong July 10.

Marami ang kaagad na bumilib at napapalakpak sa proyektong ito ng GMA Pictures at GMA Entertainment Group.

Posters at teasers pa lang ay marami na ang nag-aabang sa pelikula. Ngayong ipinakita na nga sa publiko ang trailer, lalo pang na-excite ang mga manonood sa proyektong ito ni Marian.

Marami ang ngayon pa lang ay pumupuri na sa kanyang pagganap bilang si Emmy, isang guro na malalagay ang buhay sa alanganin sa gitna ng eleksyon.

Ibinahagi ni Marian sa isang panayam ang realizations niya sa latest project na ito. Aniya “Ang sarap gumawa ng pelikula dahil sa Balota.”

Ito ang kauna-unahang Cinemalaya entry na kinabibilangan ng aktres. “’Yun ‘yung pinakamaganda ‘pag gumagawa ka ng isang proyekto, ‘yung mensahe ng pelikulang pinapaabot mo sa manonood, very excited kami kung ano ‘yung magiging impact nito sa mga makakapanood,” dagdag pa niya.

Sinabi rin ni Marian sa isang short chikahan na binibigyan siya ng double sa mga mahihirap niyang eksena, pero hindi raw siya pumayag.

Mula sa panulat at direksyon ni Kip Oebanda, ang Balota ang official entry ng GMA sa Cinemalaya ngayong taon. Tampok din sa pelikula sina Will Ashley, Royce Cabrera, Raheel Bhyria, Gardo Versoza, Mae Paner, Nico Antonio, Donna Cariaga, Joel Saracho, Sue Prado, Esnyr, at Sassa Gurl.

Eric, nagpasalamat sa alay na bulaklak ni Zsa Zsa

Hindi pa rin nakakalimot si Zsa Zsa Padilla kay Dolphy na inalala ang 12th year death anniversary the other day.

May pabulaklak ulit si Zsa Zsa sa yumaong Comedy King na pinasalamatan ni Direk Eric Quizon.

“It’s Dolphy’s 12th year death anniversary today. RIP, Lovey. You are always in our thoughts and prayers,” post ni Zsa Zsa.

Sumagot si Eric sa nasabing post ng Divine Diva “As always zsa! thank you for the flowers.”

Of course, partner ni Zsa Zsa sa kasaluku­yan ang sikat na architect, si Conrad Onglao.

Samantala, sa ngayon ay hindi na nauungkat ang pagiging National Artist ng namayapang Comedy King kaya’t hindi na rin iniisip nila Direk Eric.

Maingay ngayon ang usapan sa pagpu-push kay Vilma Santos upang maging National Artist.

“Alam mo, that has always been a question. Maski ang pamilya nga namin, hindi kami ang nagtatanong. Ang nagtatanong talaga mga tao. Bakit nila hindi ino-honor pa rin ang daddy ko na National Artist, although ever since the early 2000s or even before the turn of the century, bago mag-2000 mga late ‘90s parati siyang naso-short list,” reaction ni Eric nang tanungin namin tungkol dito bago ginanap ang The Eddys noong Linggo kung saan siya ang direktor.

Dagdag pa niya : “Parati siyang naso-short list. Now, may nagsabi sa amin na ang rason daw is one; my dad is a woma­nizer. But then again, inaano namin ‘yun...

“Of course, kaming fa­mily, kaming mga tao, nagtatanong sila na parang, oh eh, bakit nga ‘yung mga iba? Bakit kailangan anuhin, ‘yung personal doon sa kakayahan ng tao? O ipinamalas ng tao sa Filipino audience?

“And then, sinasabi naman na ‘yung pelikula daw ng daddy ko wala raw kabuluhan. Puro raw slapstick, puro lang daw patawa, walang ano. Lahat ng pelikula ng Daddy ko talks about family. Parating, my dad always gives importance to fa­mily. Syempre comedy ‘yan eh, so nangyayari sa mga paligid puro katatawanan mga ganyan.

“Whoever was saying that na critics na nagsasabi nun, well, hindi ko alam kung anong pinanggagalingan. Pero sa akin, my question is, I just want to throw back the question, ano bang mas importante? Makabuluhan, ‘yung pelikula o ‘yung nagawa ng daddy ko na napatawa niya ang mga Pilipino?,” mahabang pahayag pa ni Direk Eric sa aming interview.

Anyway, mapapanood ang matagumpay at maningning na 7th EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa ALLTV, sa Linggo, 10:00 p.m.

Ito ang ikalawang pagkakataon na dinirek ni Eric ang The Eddys.   (SUNDAN SA PAHINA 6)

Joshua at Julia, totohanan na ang healing

Masaya bang balikan? Dapat bang balikan?

Ilan lamang ito sa mga katanungang pupukaw sa isip at damdamin ng publiko kapag napanood nila ang reunion movie nina Joshua Garcia at Julia Barretto na Un/Happy for You na ipapalabas na sa mga sinehan sa buong bansa ngayong Agosto 14.

 Sa teaser/trailer ng pelikula na umani ng 23 milyong views sa iba’t ibang digital platforms sa loob lamang ng walong araw mula nang ito ay i-upload online, makikita ang mga matatamis na alaala ng mga karakter nina Joshua (Juancho) at Julia (Zy) pati na ang kanilang nakakadurog na breakup na sinabayan pa ng Paubaya ni Moira dela Torre bilang background music.

 “Masarap ‘yan. Pero hindi mo namamalayan tatamaan ka na d’yan. Traydor ‘yan e,” sabi ni Juancho, character ni Joshua.

 “Zy, ano, no comment? Aalis ka na naman,” dagdag nito.

 “Juancho, tama na please. I never cheated on you,” sabi ni Zy na si Julia sa pelikula.

Laman din ng teaser ang maraming katanungan na tiyak na sumagi na sa isipan ng mga taong nakaranas na ng pait at saya na dulot ng pag-ibig tulad ng: “Masaya bang balikan? Dapat bang balikan? Delulu pang balikan? Masarap bang balikan? ‘Di na dapat balikan? Paano nga ba balikan?”

Dama na online ang excitement ng fans na nag-aantay sa premiere ng pelikula ng Star Cinema at Viva Films sa Agosto.

 Magpapakilig naman sina Joshua at Julia sa kanilang fans bago sumapit ang Agosto 14 sa pamamagitan ng kanilang Un/happy for You The Get Back Tour sa iba’t ibang mall sa buong bansa. Biyaheng Cebu City ang dalawang bida para sa kanilang mall tour sa SM City Cebu ngayong Hulyo 13.

 Ibinahagi rin nina Joshua at Julia ang ilang behind-the-scenes na larawan sa kanilang paparating na pelikula sa kani-kanilang mga social media account para pasayahin ang mas maraming tagahanga.

 Sa direksyon ni Petersen Vargas at panulat nina Kookai Labayen, Crystal San Miguel, at Jen Chuaunsu, ang Un/happy for You ang reunion film nina Joshua at Julia.

At ang isang sigurado rito base sa trailer, may matutunan ang mga manonood sa pelikula, ang acceptance.

Common knowledge ang nakaraan nina Joshua and Julia.

Maraming naapektuhan nang maghiwalay sila dahil ang akala ng lahat ay nagkaroon ng overlapping kina Joshua and Gerald Anderson.

Pero that’s water under the bridge now, kumbaga.

Nakaraan na at hindi na napag-uusapan na parang eksakto talaga sa kuwento ng Un/happy For You na tungkol sa ‘healing.’

May kanya-kanya na silang buhay at parehong masaya sa totoong buhay.

Pero hindi napag-usapan sa presscon.

Kung open ang relasyon nina Julia at Gerald Anderson, hindi naman makuwento ang actor sa tungkol sa girlfriend na si Emilienne Vigier na madalas nang mag-post ng kanilang photos na magkasama sa social media ngunit noong birthday lang ng French-Filipino athlete nagbigay ng additional details tungkol sa kanilang relasyon.

Maalalang inanunsyo nina Joshua at Julia ang kanilang breakup noong 2019 pagkatapos mag-date ng dalawang taon.

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with