^

Pang Movies

Billy, may hamon sa nag-akusang adik siya!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Billy, may hamon sa nag-akusang adik siya!
Billy

Nilinaw ulit ni Billy Crawford na hindi siya drug addict at handa siyang magpa-drug test para mapatunayan ito.

Ito ay bilang sagot sa mga patuloy na nang-iintriga sa singer/dancer ng tunay na dahilan ng kanyang pagpayat.

“It’s like a circle sa buhay ko. It’s a non-stop conversation is my ‘nutrition’ or my diet. I’m not on a diet,” simula ni Billy sa panayam niya sa 24 Oras.

“It used to faze me. It used to get me. It used to may kurot ng konti. Pero now, it really doesn’t anymore. Nakakatawa na lang,” dagdag pa niya.

He stressed out na alam naman ng mga nakaka­kilala sa kanya na hindi siya nagdodroga at naghamon na willing siyang patunayan ito.

“Sa mga nakakakilala sa akin, I am by far one of the few artists who are the ones who don’t try drugs.

“We can all take a strand of our hair and do tests ngayon din. Puwede kong hamunin lahat ng tao rito ngayon. No problem. I have nothing to hide,” he said.

“Hindi po ako adik. Adik ako sa pamilya ko. Adik ako sa trabaho ko, and that’s it. I’m living, I think, my life to the fullest right now,” ang paglilinaw pa ng mister ni Coleen Garcia.

Ipinagmalaki rin ni Billy na limang taon na raw siyang hindi umiinom ng alak at hindi rin siya nagsisigarilyo.

“It’s been over five years, since I’ve been sober. I have not touched a leak of alcohol. I have not touched cigarettes - zero. With God’s help and God’s grace, I did it,” aniya.

Lea, kumampi sa BINI

Inayunan ng Broadway diva na si Lea Salonga ang pahayag ng BINI member na si Aiah Arceta tungkol sa respeto sa privacy.

Sa kanyang Instagram Story ay ipinost ni Lea ang bahagi ng statement ni Aiah. Nakasaad dito na “don’t get me wrong, I like taking pictures with others, and I enjoy meeting people who are as passionate as we are in the world of music and entertainment… but I just hope that people also see and respect us as human beings.”

Ang nasabing statement ay ipinost ni BINI Aiah sa kanyang Instagram Story kamakailan kaugnay ng insidenteng nangyari sa Cebu kung saan ay may fans na nagsuguran sa kanya habang kumakain sila ng kanyang pamilya.

Bilang pagsang-ayon kay Aiah, Lea wrote, “yes to setting boundaries!!!!!!!”

Matatandaang nakaranas din ng similar experience last year si Lea nang may pumasok namang fans sa kanyang dressing room at gustong magpa-picture sa kanya.

Tumanggi ang Broadway Star dahil wala raw ang mga ito sa list pero pumayag naman siyang magpa-picture sa labas ng dressing room.

Naging kontrobersyal ito dahil nakunan pa ng video at sinagot naman ito ng Broadway star sa kanyang series of tweets.

“Just a reminder… I have boundaries. Do not cross them. Thank you,” ang isa sa sagot ni Lea noon patungkol sa nangyari.

vuukle comment

BILLY CRAWFORD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with