^

Pang Movies

Kim, bakal na ang pakiramdam sa mga nanghuhusga

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Kim, bakal na ang pakiramdam sa mga nanghuhusga
Kim

Bongga naman si Kim Chiu, hindi na raw siya basta-basta naapektuhan ng mga panghuhusga ng ibang tao.

Maalalang matindi ang panghuhusgang natanggap niya nang nang inihambing niya ang pagsasara sa mga batas ng silid-aralan sa pagkawala ng franchise noon ng ABS-CBN.

Marami ang nalito sa kanyang sentimyento, na ‘bawal lumabas’ na nag-udyok sa mga meme at iba pa nitong spin-off at remix. “So now, kahit anong i-judge sa akin ng mga tao, parang woman of steel na lang,” sabi niya sa interview ng Preview magazine na ang ganda-ganda ng kanyang pictorial.

“Ikaw na lang magdidesisyon on whatever you’re facing if you want it to be positive or negative. And nobody wants a negative life,” sabi niya pa.

Na tama naman.

Ba’t ka naman papaapekto sa mga bagay na hindi mo naman kilala ang mga gumagawa noh.

Tama si Kim, maging bakal ang pakiramdam niya sa mga patuloy na humuhusga sa kanya.

Saka alalahanin niya kahit pa anong gawin nilang panghuhusga, mas ma­yaman sa kanila ni Kim.

Sila ba may datung na kasing rami ng kay kim?

Ang dami niya ari-arian noh.

Good job, Kim.

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with