^

Pang Movies

LJ Moreno, may paalala sa gustong mag-ampon

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
LJ Moreno, may paalala sa gustong mag-ampon
LJ

May paalala ang dating aktres na si LJ Moreno tungkol sa pag-ampon ng anak.

Adopted kasi ang panganay na anak nila ni Jimmy Alapag na si Ian Maximus.

Pinaalalahanan niya ang mga magulang na gustong mag-ampon at hindi raw sapat na dahilan ang hindi pagkakaroon ng anak.

Paano na lamang daw kung mabuntis ito? Kaya dapat daw umpisa pa lang wholehearted na talaga at hindi nagdadalawang-isip para maging pantay-pantay ang pagtrato sa mga anak kung sakali mang dumating ang biological na anak.

Naalala raw kasi niya na noong ampunin niya ang panganay nila ay umabot ng halos apat na taon bago siya nabuntis kaya nagdesisyon na sila noong mag-ampon.

Pero pagkatapos ng tatlong araw nang ampunin nila si Ian ay nalaman naman niyang buntis siya dahil nakatulog daw siya noong laban ni Manny Pacquiao.

Aminado raw siyang big fan siya ng mister ni Jinkee Pacquiao kaya sobra ang pagtataka niya na nakatulog siya. Kaya napabili siya ng pregnancy test kit noon at doon nakumpirmang buntis na siya sa anak nilang si Keona.

Pero nang ampunin daw nila ang panganay ay hindi naman nila inisip na wala na silang chance na magkaanak. Na-in love raw lang talaga sila kay Ian at para raw talaga itong athlete kaya wala raw difference. Kinagugulat pa raw ng mga tao lalo na sa Amerika tuwing malalaman nila na ampon ito.

Hindi naman daw niya pinagkakaitan ang anak na hanapin ang totoong magulang nito pero sa ngayon daw ay ayaw na raw nitong hanapin pa ang mga ito.

vuukle comment

LJ MORENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with