^

Pang Movies

Jaime, walang planong magretiro!

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa

Hindi marami ang nakakaalam na ang award-winning veteran actor na si Jaime Fabregas (na kasalukuyang napapanood sa hit primetime action drama series na FPJ’s Ang Probinsyano) ay hindi lamang mahusay na actor kundi isa rin siyang mahusay na singer, composer at award-winning film musical scorer.

Siyam na taong gulang pa lamang noon si Jaime nang magkahilig siya sa acting dahil sumasali na siya noon sa kanilang school plays. He was 13 nang magkahilig siyang tumugtog ng gitara na natutunan lamang niya by himself at wala umano siyang formal training dito kayundin ang pagtugtog sa piano.

Dahil mahilig umano ang kanyang amang magpatugtog at makinig ng classic songs, unti-unti rin umano siyang nagkainteres dito. Katunayan, kumakanta na umano siya noon sa folk houses at naging bahagi rin umano siya ng isang band.

Ang kanyang interest in acting and music ay nagpatuloy. 

Naging bahagi rin umano siya ng Repertory Philippines.  In one of his plays ay napanood umano siya ng director na si Eddie Romero na siyang naging daan sa kanyang pagpasok sa pelikula.

Magmula noon ay naging sunud-sunod na ang paggawa ng pelikula ni Jaime hanggang sa mag-cross over siya sa telebisyon.

Ang namayapang actor-director na si Abbo de la Cruz ang nagbigay ng break sa kanya sa musical scoring sa pamamagitan ng 1984 movie na Misteryo sa Tuwa na pinamahalaan mismo ni Direk Abbo.

Bilang actor, kamuntik makopo ni Jaime ang grand slam win bilang Best Supporting Actor sa award-winning movie na Jose Rizal na pinagbidahan ni Cesar Montano at pinamahalaan ng award-winning director na si Marilou Diaz-Abaya pero bukod tangi ang Film Academy Awards ang hindi nakiayon.  Gayunpman, lalong na-inspire ang actor na lalong pagbutihin ang kanyang craft bilang actor.

At 74, wala pa umano siyang planong magretiro dahil patuloy na dumarating sa kanya ang trabaho.

“Why stop when you still can,” aniya. “Besides, tuluy-tuloy pa rin naman ang dating ng trabaho,” dagdag pa niya.

Kung si Jaime ang gumawa ng musical scoring ng pelikula noon ng movie king na si Fernando Poe, Jr. naging bahagi naman siya sa TV adaptation ng dalawang pelikula ni FPJ, ang FPJ’s Ang Probinsyano at ang FPJ’s Batang Quiapo bilang actor.

“Lahat may koneksyon,” pagbabahagi pa niya.

vuukle comment

JAIME FABREGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with