^

Pang Movies

Sarah, rampadora sa Europe!

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Sarah, rampadora sa Europe!
Sarah

Ang bongga naman ng aktres na si Sarah Lahbati na bumalik sa kanyang hometown sa Geneva, Switzerland.

Ibinahagi ng ex-wife ni Richard Gutierrez ang mga litrato niya sa pamamasyal niya sa lugar kung saan siya lumaki.

Makikita sa mga photo niya ang litrato ng pag-awra niya at enjoy sa ganda ng Lake Geneva.

“My beautiful Geneva & my loves,” caption niya sa isa sa kanyang mga post kung saan may mga kasama siya sa litrato na tila mga kaibigan at kapamilya na binisita niya roon.

Bago pa nga siya pumunta sa Switzerland, nanggaling din siya sa France at namasyal sa Saint-Tropez and Nice, at nakapag-recharge nga raw siya roon.

“24 hours in nice. first time to be away from the kids for some time for myself to recharge,” caption niya nang pumunta siya sa Nice.

Suportado naman siya ng fans sa kanyang me time at bakasyon, at sinabing deserve raw ito ng aktres.

Pinuri rin nila ang hot mama nina Zion at Kai dahil tila unbothered ito sa mga intriga sa kanila ng kanyang ex-hubby na kasalukuyang nali-link ngayon sa aktres na si Barbie Imperial. Mukhang malapit na nga raw maglantad ng relasyon ang dalawa na ilang beses nang namataan nang magkasama.

Habang si Sarah naman ay mukhang ine-enjoy pa ang kanyang pagiging single nga ba?

vuukle comment

SARAH LAHBATI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with