^

Pang Movies

Shawie, nakiki-marites kay Alden para kay Kathryn!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Shawie, nakiki-marites kay Alden para kay Kathryn!
Alden at Sharon

Maging si Sharon Cuneta ay botong-boto kung totoo ngang may nagkakamabutihan na talaga sina Alden Richards at Kathryn Bernardo.

“Oo naman. Kung saan sila maligaya, lalo kung sa isa’t isa, talaga namang... Alam mo naman si mama, kung kailangan, magpagawa ako ng tarpaulin,” ani Sharon sa panayam ni MJ Felipe ng ABS-CBN.

Hindi pa raw niya direktang natatanong si Alden kung totoo ngang sila na ni Kathryn pero nag-message na raw siya sa aktor tungkol dito.

“Ayokong magsabing oo, pero tawagan ko si Alden mamaya,” biro niya.

“Nahihiya kong magsabi ng ‘Anak, kayo na ba?’ Pero nag-message ako sa kaniya, (sabi ko) ‘Anak, kung totoo ‘yan napakasaya ko!’” dagdag pa niya.

Matatatandaang nakatrabaho na ng Megastar ang KathDen. Nakasama niya si Kathryn sa pelikulang Three Words to Forever habang si Alden naman ay gumanap ding anak niya sa 2023 Metro Manila Film Festival entry Family of Two.

Parehong anak-anakan ang turing niya sa dalawa at puring-puri niya ang mga ito.

“She’s so deserving of everything she has received. Her stardom, her status, she’s one of the best people I’ve ever met,” sey ni Mega about Kathryn.

“And then Alden, the same. The very same words. So, I cannot contain my excitement!” sey pa niya.

Vice at Ion, pinipili na lang ang away

Masayang-masaya ang misis ni Chito Miranda na si Neri Naig na magkasosyo na sila sa negosyo ng iniidolong si Vice Ganda.

Sa kanyang latest Instagram post ay inanunsyo ng dating Kapamilya actress ang pagbubukas nila ni Meme Vice ng isang comedy bar, ang Vice Comedy Club.

Ayon kay Neri, super-fan siya ni Vice noon pa at halos gabi-gabi ay inuulit nga raw niya ang dating show nito na Gandang Gabi Vice.

“Halos every night inuulit ko ‘yung GGV kase tawang-tawa ako kay Vice tapos inuulit ko rin mga bardagulan nila ni Anne, Kuya Jhong, and Vhong sa Showtime. Humahagikgik ako bago ako matulog, tinatanong ng asawa ko kung napapano na ako,” kwento ni Neri.

Ang mister daw niya ang nagtanong sa kanya kung gusto niyang maka-partner si Vice sa bagong comedy bar at siyempre, nag-yes daw siya agad.

“Kaya nung tinanong ako ni Chito kung gusto ko ba raw maki-partner sa Vice Comedy Bar, sabi ko talaga game ako dyaaaaaaaaaaaan! Para maging close kami ni Vice!!!! 

“Kaya kagabi talagang panay bulong ko sa asawa ko na, “Daaad, papapic talaga ako kay Vice ha? Pls pls!” kwento ni Neri na halatang super-happy.

Nagkaroon na ng soft opening ang kanilang comedy bar last July 2 at sobrang nag-enjoy raw siya ng gabing ‘yun.

Speaking of Vice Ganda, naikwento niyang hindi raw nila pinag-aawayan ng dyowa niyang si Ion Perez ang mga paglabas-labas ng bahay.

“Sa mga past. Hindi kasi kami nag-aaway ni Ion,” tsika niya sa recent episode ng It’s Showtime.

Dagdag niya, “Wala kaming [ganun]. At tsaka kami ‘yung, ‘labas ka!’”

Sila pa nga raw ang nagsasabi sa isa’t isa na lumabas at mag-enjoy.

“Minsan kami pa ‘yung ‘labas ka mag-enjoy ka.’ Hindi ka nababagot dito ‘yung ganun,” aniya.

Matatanda na raw sila para mag-away pa sa petty things.

“Eh kasi, ang tanda ko na, ang tanda na rin namin. At tsaka ‘pag matanda ka na, pinipili mo na lang ‘yung ikasasakit ng ulo mo at pinag-aawayan niyo mag-jowa. Hindi na ‘yung mga petty.”

Sambit pa niya, “dun na tayo sa malaking issue.”

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with