^

Pang Movies

William, nabiktima ng Mafia!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
William, nabiktima ng Mafia!
William

Kung pakikinggan mo, nakalulungkot ang sinabi ni William Martinez na diumano ay biktima siya ng isang mafia ng talent managers, na basta nakainitan ka nila o hindi ka hawak ng isa sa kanila maaari kang mabura sa show business kahit na magaling ka pa o sikat ka pa.

Si William ay isa sa pinakasikat na matinee idol noong kanyang panahon, kasabayan siya ni Gabby Concepcion na sumikat din nang husto nang maagang bawian ng buhay ang actor na si Alfie Anido na siyang number one noon.

Naging malaking hits ang mga comedy na ginawa nina William at Maricel Soriano. Suwerte naman si William dahil noong humina na ang tambalan nila ni Maricel, napasama siya sa isang grupo ng mga baguhan doon sa pelikulang Bagets.

Hindi na bagets si William nang gawin ang pelikula pero kasama sa usapang iyon nang ibigay ni Douglas Quijano na siyang may idea ng pelikula sa Viva.

Pero hindi maikakaila na nang gawin ang Bagets, ang talagang sumikat nang husto ay si Aga Muhlach, guwapo, magaling sumayaw at malapit siya sa fans noon palibhasa’y galing nga sa isang pamilya ng mga artista.

Aminado naman si William na nagkaroon din siya ng masamang bisyo noong araw na nakaapekto sa kanyang career. Pero idinidiin niyang biktima siya ng mafia ng talent managers.

Talagang may mafia riyan, pero nasa tao pa rin kung papayag kang maging biktima ng mafia o hindi.

May ilan din namang matitinong talent mana­gers na concerned sa kanilang talents pero hindi nga lahat ganoon.

Showtime, mas lumawak ang exposure

Ipinapalabas na rin pala sa AllTV ang It’s Showtime, ibig sabihin ang Showtime ay napapanood na sa GTV, sa Zoe TV, sa Kapamilya Channel at ilan pang channels ng Sky Cable bukod pa sa GMA 7.

Dahil diyan, ang paniwala namin ay dapat na lalong higpitan ang pagbabantay sa Showtime dahil mas marami na silang exposure. Kung minsan wala na talaga sa ayos ang jokes nila riyan na akala yata nila ay nasa comedy bar pa rin sila. Nakakalimutan nila na sila ay nasa national television at napapanood maging ng mga bata.

Imelda, star-studded ang birthday 

Noong 95th birthday ng dating unang ginang Imelda Marcos, nagdatingan ang ilang mga artista. Hindi naman maaaring hindi dumating ang mga artista dahil sa laki ng nagawa niya sa industriya.

Pinalawak ni Imelda ang Metro Manila Film Festival (MMFF) noong 1975. Upang masakop ang lahat ng sinehan sa buong Metro Manila, at hindi gaya ng dating sa Maynila lamang.  

Noong panahon ni Imelda ang kinikita ng MMFF ay ibinibigay nang buo sa Mowelfund, para sa kapakanan ng mga manggagawa sa industriya ng pelikula.

Si madam naman talaga ang unang nakaisip na ang mga pelikulang Pilipino ay maaaring maging world class at noong panahong iyon ang lahat ng mga pelikulang kasali sa MMFF ay ang pinakamahusay na magagawa ng producers.

Sa taong ito, sana naman ay umayos na muli ang film festival. 

WILLIAM MARTINEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with