Andrea at Lolit Solis, napansin ni Kim Soo Hyun
Todo ang pagka-faney ni Andrea Brillantes sa Korean actor na si Kim Soo Hyun.
Kahapon ay may reel video siya na ipinapakitang napansin siya ng actor nang magsuot siya ng wedding dress sa ginanap nitong fan meeting sa Manila.
May eye contact daw sila at nag-wave back sa kanya.
At delusional daw ba siyang tiningnan siya nito.
Well, at least pareho na sila ni Nay Lolit Solis.
Ganundin ang ginawa ni Kim Soo Hyun nang tumili si Nay Lolit ng “I love you” nung unang dumating ng bansa si Kim Soo Hyun, years ago.
Nag-wave back din ito at super ngiti that time kay Nay Lolit.
Ilang beses na siya actually na nag-fan meet sa Pilipinas at lahat ng mga nanood, nababaitan sa Korean actor.
Say ni Andrea sa caption ng kanyang reel “All my delulu interactions with the king of tears bilang isang queen of delulu.”
Samantala, usap-usapan online ang pasabog na special trailer ng Kapamilya teleseryeng High Street kung saan tampok ang kaliwa’t kanan na rebelasyon na dapat abangan sa mga susunod na episode.
Sa naturang trailer, ipinasilip ang matitinding eksena at kabilang dito ang pagsugod ni Sky (Andrea Brillantes) sa lugar kung saan nakakulong ang kapatid niyang si Z (Daniela Stranner). Ang hindi alam ni Sky, nasa matinding panganib na pala ang kanyang buhay dahil balak na siyang tapusin ng magkapatid na sina William at Tori (Mon Confiado at Dimples Romana).
Nakatutok na rin ang viewers para sa matagal na nilang inaasam na muling pagkikita nina Roxy at Archie (Xyriel Manabat at Elijah Canlas). Pero mukhang mas lalong magkakalabuan ang dalawa dahil magmamakaawa si Archie kay Roxy na bigyan siya ng second chance na maging parte ng buhay ng kanyang mag-ina.
Delikado rin ang relasyon nina Tim at Poch (Zaijian Jaranilla and Miggy Jimenez) dahil nakatakdang makipaghiwalay si Poch kay Tim dahil sa patung-patong na problema.
Bukod dito, palapit na nang palapit si Gino (Juan Karlos) sa katotohanang maaaring magbago ng kanyang buhay dahil natuklasan niyang may posibilidad pala na hindi siya ang totoong anak ng kriminal na si William.
Maililigtas kaya ni Sky si Z? May second chance pa kaya ang relasyon nina Roxy-Archie at Tim-Poch?
May matitinding rebelasyon sa High Street gabi-gabi ng 9:30 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.
Choosing nila Liza, kinapitan ng mga miyembro ng LGBTQIA+
Ang ganda ng review ng Choosing (Not A Straight Play).
Bahagi pa ring ng LGBT Pride Month ang Choosing (Not A Straight Play) mula Hunyo 29 hanggang Hulyo 7, 2024, sa Power Mac Spotlight Blackbox Theater, Circuit, Makati.
Ang original play na ito, na nilikha ng powerhouse LGBTQIA+ couple na sina Ice Seguerra at Liza Diño at idinirehe ng kilalang si Dr. Anton Juan.
Makabuluhan ang kuwento ng Choosing tungkol sa pagmamahalang hindi base sa kasarian ng mga tao kundi sa pagmamahal nila sa isa’t isa.
Isinulat ni Liza Diño, na may karagdagang monologues mula kay Ice, ang play ay hinango mula sa kanilang mga personal na karanasan at koleksyon ng mga kuwento ng LGBTQIA+ sa loob ng maraming taon.
Nag-aalok din ito ng kapana-panabik na kuwento na nagbubura ng linya sa pagitan ng katotohanan at kathang-isip.
“We’re not just telling a story; we’re sharing a part of our souls with the audience. It’s about the raw, sometimes painful journey to find not just love, but ‘yung acceptance and happiness lalo na sa society na ginagalawan natin,” ani Liza Diño, writer at co-star ng play.
“My hope is that this play will break barriers to understanding the individual experience of people from the LGBTQIA+ community. Through these stories and shared experiences, we’ll realize that we have more commonalities than differences,” dagdag ni Ice habang shine-share ang misyon ng play para i-promote ang inclusivity.
“Kaya rin namin siguro piniling gawin ito sa Powermac Spotlight para mas maraming tao ang mkapanood and even the tickets, nasa 1000 pesos lang at most expensive na ay 1500 para mas maging accessible sa lahat.
“Ang ‘Choosing’ ay hindi lamang tungkol kina Ice at Liza; ito ay tungkol sa pagtanggap sa mga hindi nakikita at hindi naririnig na mga kuwento sa LGBTQIA+ community at paghahanap ng espasyo upang tuklasin ang mga pakikibaka na kanilang kinakaharap sa lipunan at ang mga komplikasyon ng karanasang ito,” saad naman ni Dr. Anton Juan. Para sa karagdagang impormasyon at upang bumili ng mga tiket, mangyaring bisitahin ang Ticket2Me. Ang presyo ng tiket ay nagsisimula sa P1,000 para sa Silver, P1,300 para sa Gold, at P1,500 para sa Platinum.
- Latest