^

Pang Movies

JK, nagpakatanga na naman!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
JK, nagpakatanga na naman!
JK Labajo

Marami ang nag-alala nang ibahagi ng singer-actor na si JK Labajo ang mga litrato niya na ginagamot at nilalagyan ng bandage ang kamay niya.

Makikita sa mga litrato na nakasakay siya sa isang ambulansya at mukhang nagkaroon kamakailan ng concert si JK sa Camarines Sur base sa nakalagay sa ambulansya at doon nga nangyari ang anumang aksidente sa kanya.

“Gusto ko lang mag concert at gumala...#TangaMoments #TangaMoJuan,” caption nito sa kanyang post.

Kailan lamang nga ay sinorpresa niya ang fans at naglabas siya ng kanyang bagong kanta na may titulong Tanga Mo Juan.

Kaya naman ginamit niya ang titulo ng kanta at ginawang biro na lamang ang aksidente. Nag-alala naman ang mga tagahanga niya at pinayuhang mag-ingat sa susunod.

Hindi rin kasi ito ang unang beses na magkaroon ng injury ang Ere singer dahil ilang buwan ang nakalilipas ay nagkaroon din ito ng injury sa paa nang magkaroon naman siya ng concert sa Bataan.

Nadapa raw ito sa stage noon pero mukhang hindi na rin bago ito sa mga kaibigan niya dahil napakomento noon ang singer na si Moira dela Torrre ng “ano nanaman ang ginawa mo.”

Dahil nga sa nangyari napakomento ang netizens at mga kaibigan niya na napapadalas daw na ma-injure si JK.

vuukle comment

JK LABAJO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with