^

Pang Movies

Zanjoe, pinagpraktisan ang tuta!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Zanjoe, pinagpraktisan ang tuta!
Zanjoe Marudo

Kaaliw ang video na ipinost ni Sylvia Sanchez kung saan ay makikitang hinehele ng manugang na si Zanjoe Marudo ang kanilang alagang aso.

Obviously, nagpa-practice na ang aktor na mag-alaga ng bata since as we all know ay kasalukuyang buntis ang wifey niyang si Ria Atayde sa kanilang first baby.

Nakakatuwa ang aktor sa video dahil pasayaw-sayaw pa siya habang karga ang puppy.

“Meron na nagpapractice hahaha pwede na nak,” caption ni Ibyang.

“Ang halakhak ko habang pinapanood ka @onlyzanjoemarudo

“Sarap na sarap naman sa pagkakaugoy mo si Yoda hahaha,” sey pa ng aktres.

Kinantiyawan din ni Ibyang ang manugang na baka hindi na raw ito lumabas ng bahay once na lumabas na ang baby nila ni Ria.

“Malamang hindi ka na aalis ng bahay niyo ni @ria pagwala kang trabaho, pag lumabas na si little boss ko,” aniya.

“Ramdam ko ang kasiyahan n’yong mag asawa. Love you both,” mensahe pa ni Ibyang kay Z.

Kalakip din ng post ang ilang larawan nina Ria at Zanjoe kung saan ay makikitang malaki na ang tiyan ng aktres. Kitang-kita rin sa photos kung gaano nga kasaya ang soon-to-be parents.

Kampo ni Jennylyn, may hirit

Para matigil na ang tsikang lilipat ng network si Jennylyn Mercado at lalayasan na ang GMA 7, nagbigay na ng official statement ang manager ng aktres na si Becky Aguila.

Sa kanyang Facebook page kahapon ay nilinaw ni Tita Becky na mananatiling loyal Kapuso si Jen hangga’t gusto rin siya ng network.

“I just want to clarify to those who keeps on insinuating re the issue of network transfer that Jennylyn is a loyal artist of GMA and will always remain loyal for as long as her mother network wants her to stay,” pahayag ni tita Becky.

Ipinaliwanag ng manager na kaya wala si Jen sa GMA Station ID ay hindi raw pumuwede ang aktres sa araw ng shoot at kinumpimang nakatanggap ng imbitas­yon ang kanyang alaga.

“She was absent from the station ID simply because she was unavailable that day. Rest assured GMA extended an invitation to her, which we very much appreciate,” paglilinaw ng veteran manager.

In-address din niya ang TikTok issue ni Dennis Trillo at sinabing hindi ang tipo ng aktor ang magsasalita ng insensitive comments lalo na nga sa dati niyang pinanggalingang network.

Matatandaang nitong nakaraang Monday, July 1, ay nag-viral si Dennis dahil sa diumano’y sagot ng aktor sa tanong ng isang netizen sa kanyang TikTok account kung totoong lilipat si Jen ng ABS-CBN.

Sagot ni Dennis, “may ABS pa ba?”

Nag-release naman agad ng statement ang Aguila Entertainment at sinabing na-hack ang account ng aktor.

vuukle comment

ZANJOE MARUDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with