^

Pang Movies

Mga kaibigan ni Direk Manny, todo pa ang pagluluksa!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Mga kaibigan ni Direk Manny, todo pa ang pagluluksa!
Manny Castañeda

Unang araw ng Hulyo 2024 nagulat ang lahat sa post ni Film Development Council of the Philippines Chairman Direktor Jose Javier Reyes, na nagsasabing ang kanyang matalik na kaibigan ng halos anim na dekada na, ang actor at direktor na si Manny Castañeda ay pumanaw na.

Wala siyang sinabi kung ano ang dahilan ng naging pagpanaw ni Manny, at maging ang pamilya naman ay tahimik pa sa kung ano ang dahilan  at kung ano pa ang kanilang mga plano. Gusto muna siguro nilang manatiling pribado ang panahon ng kanilang pagdadalamhati.

Nakilala namin si Manny Castañeda noong early ‘70s pa, kasama siya noon sa mga actor ng PETA at nang minsang sila ay nagsadula ng tatlong play na akda ng manunulat na si Estrella Alfon ay nakasama namin sila.

Likas na palabiro si Manny, at kaya ka niyang patawanin kahit na nakukunsumi ka na sa sitwasyon. Madalas ganoon ang kanyang role, pinasasaya niya ang grupo. Hindi nauubusan ng kuwento si Manny, ang iba ay totoo at madalas kuwento lang pangpatawa.

Nakakahinayang na maagang nawala si Manny. Marami pa iyang ideyang magagawa, in fact ang tingin namin marami pa siyang gustong gawin na hindi pa niya nasisimulan.

Anyway, yumao na nga si Manny at kami ay nakikiramay, nawala na naman ang isang kaibigan namin sa industriya.

Dennis, biglang pinag-usapan

Nang matanong si Dennis Trillo tungkol sa tsismis na diumano ay lilipat ang kanyang asawang si Jennylyn Mercado sa ABS-CBN, nagtanong lang naman siya, “may ABS pa ba?”

Na siyempre pagkatapos noon ay katakut-takot na ba­shings ang inabot niya.

Walang masama sa tanong ni Dennis. Nagtatanong lang siguro siya kung bakit may suspetsa pa na lilipat si Jennylyn sa ABS-CBN ganoong wala na nga iyong prangkisa sa ngayon, at kaya lamang nananatili ay nakiki-blocktime na lang sa ibang istasyon.

Wala naman siguro siyang iniisip na masama dahil si Dennis ay galing din noon sa ABS-CBN lumipat nga lang sa GMA kung saan naman siya mas nagkaroon ng pagkakataon.

Kaya tama lang naman ang tanong ni Dennis Trillo, hindi iyon dapat masamain. Pero mabilis nga ang naging sagot ng kampo ng aktor at sinabing na-hack lamang ang TikTok account nito.

Daniel, nagbago ang isip 

Ngayon sinasabi ni Karla Estrada hindi na nila ipinagbibili ang bahay na ipinatayo ni Daniel Padilla para sa kanilang pamilya. Noon kasi balitang-balita ipinagbibili ito nang P50 milyon. Marami ang may suspetsa na gustong ibenta ni Daniel ang bahay dahil sa maraming memories doon ang dating girlfriend na si Kathryn Bernardo.

Mayroon din namang nag-isip na kaya ibinebenta ang bahay na iyon ay dahil masyadong malaki at may kanya-kanyang buhay na rin ang iba niyang kapatid, at siguro nga raw naiisip niyang tiyak na hindi na ganun kalaki ang kita niya.

Tungkol naman sa kanilang split ni Kathryn, maging si Senador Robin Padilla na tiyuhin ni Daniel ay umaasang isang araw ay magkakabalikan ang dalawa.

vuukle comment

MANNY CASTAñEDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with