^

Pang Movies

Mark Leviste nasa Amerika, walang ‘galit’ sa ginawa ni Kris

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Mark Leviste nasa Amerika, walang �galit� sa ginawa ni Kris
Kris Aquino at Mark Leviste

Pinipilit ng ibang fans na pangalanan ni Kris Aquino kung sinong doctor ang sinasabi niyang bagong jowa after Batangas Vice Governor Mark Leviste.

May mga pangalan na pinag-uusapan pero ‘di nila ma-trace dahil iniintrigang hindi naman daw ‘yun totoong lalaki.

Inamin nga ni Kris sa exclusive interview ni Ogie Diaz na may bagong karelasyon na siya at last November pa sila split ng pulitiko na taga-Batangas.

Pero wala raw sama ng loob si VG Leviste o hinanakit sa ex.

Aniya sa isang message bilang reaction : “As Kris said we’re still “friendly”. Sa totoo lang, wala naman nagbago sa akin, at wala rin naman akong sama ng loob at hihinakit sa kanya. As a matter of fact, I am in the States now, while Bimb is back home. I assured Kris, Bimb, Kris’s sisters, and their household help in Orange County that if there’s anything I can do for them, I’ll be there. If I am needed in any way, I will make myself available for them immediately,” umpisa ng message niya.

Pero malungkot na masaya raw siya sa nangyari. “Nalulungkot man ako sa sinapit ng aming relasyon, maligaya narin ako para sa kanya. I have always put her happiness before my own, and what makes her happy makes me very happy. While I was watching her interview with Sir Ogie, I couldn’t help but feel starstruck by her beauty. Seeing her happy brings me solace. Likewise, I admire how Bimb carries himself—I’m proud of him, and I am confident that he has a bright and promising future ahead.

“The reality in this world is that things change, and I guess that’s okay. My heart will always treasure the memories we shared, and I will forever be grateful for our time together. I consider myself extremely fortunate to have been given the chance to take care of Kris, love her, and be loved by her. Mapalad din kami ng mga anak ko na nakasama at nakilala namin ng mahabang panahon sina Kuya Josh at Bimb. My family and I will continue to pray for her health, peace, and joy. As for me, I will channel this love and energy into nurturing my children and serving the people of Batangas.”

Maraming nag-expect na sila na ang magkakatuluyan lalo na at talagang parang hubby na si VG Mark sa former TV host pag andun ito sa Amerika at inaalagaan si Kris.

Nagpakaama rin ito sa dalawang anak ni Kris na sina Joshua and Bimby.

Lavender fields, patok kaagad sa fans

Patok na agad sa mga manonood ang upcoming ABS-CBN teleseryeng Lavender Fields matapos humakot ng higit sampung milyong views sa social media ang teaser videos nito at nakapasok din sa top trending topics noong Hunyo.

Excited na ang netizens sa anila’y pasabog na acting showdown sa pangunguna ng mga bida nitong sina Jolina Magdangal, Jericho Rosales, Janine Gutierrez, at Jodi Sta. Maria kasama ang Philippine drama icons na sina Albert Martinez, Edu Manzano, at Maricel Soriano.

Sa mga video na inilabas ng ABS-CBN ng script reading at look test ng serye, ipinasilip sa unang pagkakataon ang mga batuhan ng linya ng cast pati na rin ang magiging itsura ng kanilang mga karakter na may suot na mga bonggang outfit.

“Nakakatuwang experience ang first script reading because we didn’t know what to expect. Everybody brought something different to the table. I am proud to be working with these brilliant actors who will breathe life to the characters that shape the story of ‘Lavender Fields,’” post ni Jodi sa Instagram na may kasamang mga litrato mula sa look test.

Naiintriga na rin ang mga manonood dahil bukod sa nagsisilbi itong unang action-drama series ni Jodi, first-ever kontrabida role naman ni Janine, at ang pagbabalik-teleserye nina Jericho at Jolina makalipas ang ilang taon, natatakam na rin silang mapanood ang dating mga child star na sina Jana Agoncillo, Krystal Mejes, Miguel Vergara, at Marc Santiago.

Kasama rin sa Lavender Fields sina Justine Luzares, Pamu Pamorada, Thou Reyes, Benj Manalo, Cheena Crab, Biboy Ramirez, Bernard Palanca, at Lotlot De Leon. Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Emmanuel Q. Palo at Jojo Saguin.

KimPau, sapaw na ang ibang loveteam

Massive ang success ng loveteam nina Kim Chiu and Paulo Avelino.

Kahit saan sila pumunta, talagang umaapaw ang tao.

Sila na nga raw ang hottest loveteam sa kasalukuyan at nasapawan na nila ang KathNiel matapos silang mag-split.

Sobra ang tao sa Sorsogon nung pumunta sila at kahit abroad ay ganun din sa ginanap na Kapamilya Kalayaan Karavan 2024 sa Woodgate Valley Country Park, Clapgate Lane, Birmingham para sa Kalayaan celebration!

Wow, talagang bongga ang KimPau.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with