^

Pang Movies

Dennis, biglang naghugas kamay sa bwelta sa netizens

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Dennis, biglang naghugas kamay sa bwelta sa netizens
Dennis Trillo

Nag-trending si Dennis Trillo kahapon sa Twitter dahil sa pahayag niya sa kanyang TikTok account.

Nagsimula ang issue nang mag-post ang aktor kahapon sa TikTok ng isang short video niya kung saan ay makikitang ginamitan niya ng filter ang sariling mukha.

Caption lang niya rito ay “#fyp #foryoupage #goodvibesonly #insideout #facialworkout”

Sa comment section ay may nagtanong na netizen kung bakit wala ang asawa niyang si Jennylyn Mercado sa bagong GMA Station ID at kung totoong lilipat na ang aktres sa ABS-CBN.

Ang reply ni Dennis: “May ABS pa ba?”

Mabilis na nag-viral ang komento na ito ni Dennis sa mga social media platforms at kanya-kanyang reactions ang netizens.

Sey ng isang X user, “Oo Dennis Trillo, may ABS-CBN pa. Gago ka ba?”

Komento naman ng isa pa, “DENNIS TRILLO CHOSE VIOLENCE TODAY BWAHAHHAAHAHAHHA AYAN KAKAEXCITE NIYO KAY JENNYLYN NIREALTALK KAYO NG ASAWA IYAK MGA CHAKAMS! Bawal ang pikonesa”

Sabi naman ng isa pa, “Ang tanong, may Dennis Trillo pa ba?”

Meron din namang nagtanggol at sinabing “Huy, parang wala sa hilatya ni Dennis Trillo na ganyan sumagot. I dont think sya yan. Lalo na knowing palipat si Jen. May something..”

Ayon naman sa isa pang netizen, “he seems hacked? i don’t think he’ll respond like that. May previous instances ba na parang ganyan si Dennis makipag-interact online?”

True enough, maya-maya ay naglabas ng statement sina Jan Enriquez at Katrina Aguila of Aguila Entertainment saying na na-hack ang Tiktok account ni Dennis.

Narito ang nilalaman ng statement:

“We would like inform the public that Dennis Trillo’s Tiktok account has been hacked around noontime today, July 1, 2024.

“There were some comments made using his name and we assure everyone that it was not his doing. It is very unlikely of Dennis to make such remarks and he is a person who has nothing but kindness and respectin his heart.

“We are currently fixing the matter to avoid this incident from happening again.

“Thank you.”

Sinabi rin ni Jan na nasa taping ng Pulang Araw si Dennis kahapon at hindi gaanong makagamit ng cell phone.

“We are investigating the situation but do know na hindi po si Dennis yun. He is currently taping for Pulang Araw and have limited access to his phone as per his PA. We advise the public not to jump into conclusions with regard to this incident,” pahayag ni Jan.

Sa ngayon ay hindi na makikita ang komento ni Dennis sa kanyang TikTok account.

Bimby, ayaw kay Mark

Ibinuking ni Kris Aquino na hindi magkasundo ang ex-boyfriend niyang si Batangas Vice Governor Mark Leviste at ang bunso niyang anak na si Bimby.

“Hindi sila nagkasundo nun’g ex. Hindi niya gusto, eh,” pagbubunyag ni Kris sa panayam nila ni Bimby kay Ogie Diaz.

Wala nang nagawa si Bimby at napaamin na rin. “Okay mom. I tried to be polite,” natatawa niyang sabi.

Sabi naman ni Kris, “I know but I’m telling the truth and there’s nothing wrong with telling the truth.”

Ayon kay Kris, of course ay mahalaga sa kanya ang opinyon ng kanyang dalawang anak.

“It matters to me. Because he (Bimby) knows me best. Siya at so Kuya (Joshua, Kris’ eldest son), ‘yung opinyon nila really matters,” ani Tetay.

Tungkol naman sa bago niyang boyfriend na isang doktor sa Makati, ayon kay Kris ay na-feel daw niya talagang aaalagaan siya nito.

“The reason siguro that I felt comfortable about him is because I feel na aalagaan niya ako and important ‘yun sa taong may nararamdaman na mahirap gamutin. Kasi you need someone na pwede mong sandalan,” sey ni Kris.

vuukle comment

DENNIS TRILLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with