^

Pang Movies

Rafael Bibigyan ng bonggang kasal ang asawa

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Rafael Bibigyan ng bonggang kasal ang asawa
Rafael Rosell at Valerie Chia

Hindi puwedeng mali-link sina Bea Alonzo at Carla Abellana sa kanilang leading men sa Widows’ War dahil married na sina Rafael Rosell at Benjamin Alves.

Kinumpirma ni Rafael na kasal na siya sa longtime girlfriend na si Valerie Chia. Kinasal sila during the pandemic in April 2020. “It was on the onset of COVID. We wanted 4/20/20 since it’s a special date and special number for us. Nagkataon lang talaga na nagka-COVID pandemic noong time na ‘yun but we decided to still push through. All the way ‘til April, naka-on pa rin ‘yung wedding invitations until we decided mid-April to cancel na talaga, kasi naka-mask na lahat, extreme lockdown. Hindi na namin tinuloy ‘yung ceremony but the signing of the papers, tinuloy,” kuwento ni Rafael na may plano pa ring bigyan ang kanyang bride ng magandang wedding.

Kinasal si Benjamin kay Chelsea Robato last January. Bago mag-taping for Widows’ War, sinulit ng aktor ang kanilang honeymoon sa Europe at USA. Pero mukhang wala pang plano na magkaroon ng baby ang dalawa dahil enjoy ang mag-asawa mag-travel at sa kanilang mga pet dog.

Betong nakikiamot sa mga regalo ng fans kay Alden

Hindi napigilang ikuwento ni Betong Sumaya na nakadalawang balikbayan box si Alden Richards ng regalo mula sa ating mga kababayan sa isang pinagsamahan nilang show abroad.

Kuwento ni Betong na sa isang meet-and-greet, binibigyan sila ng regalo ng fans. Happy na si Betong kahit makatanggap siya ng dalawa o tatlong regalo.

“Si Alden ang nakakatanggap ng pinakamaraming regalo. Naglalambing nga kami sa kanya na i-share naman niya yung ibang chocolates. Dahil napakabait ni Alden, nagse-share talaga siya sa amin ng ibang gifts niya.”

May dalawang shows sa Canada si Alden in August para sa Sparkle World Tour 2024. Si Betong naman ay sa Japan mag-show sa September.

Ben naghakot na ng kagamitan sa bahay nila ni Jennifer

Mukhang tuluyan nang naghiwalay sina Jennifer Lopez at Ben Affleck.

Balita ng People magazine, naghakot na ng kanyang personal belongings si Ben mula sa Beverly Hills mansion nila ni Jennifer.

Kasalukuyang nagbabakasyon ni J.Lo sa Europe noong maghakot ng mga gamit si Ben.

“Ben continues to live at the Brentwood rental. He’s been there for about two months now. He seems okay. He’s been at his office every day and seems focused on work. He’s also spending time with his kids,” ayon sa People.

For sale na ang marital home nila for $65 million ayon sa realtor na si Santiago Arana from The Agency.

Magdadalawang taon pa lang kasal sina Ben at Jennifer ngayong July 16, pero nauwi na ito agad sa hiwalayan.

vuukle comment

RAFAEL ROSELL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with