^

Pang Movies

Andrea, nabaliw sa Korean actor

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Andrea, nabaliw sa Korean actor
Andrea Brillantes

Ok naman magpaka-faney ka pero overacting si Andrea Brillantes.

Talagang todo-outfit siya nang dumalo sa fan meeting ng Korean actor na si Kim Soo-hyun sa Araneta Coliseum.

Napaka-ordinary fan kumbaga.

Nagsuot nga ng wedding dress si Andrea. Eh maganda ang seat niya kaya naman napansin siya ng Queen of Tears actor.

Sabagay consistent si Andrea sa pagiging faney.

Anyway, hubby ang tawag niya kay Kim.

“What a night we love you,” caption pa ni Andrea sa kanyang IG story nang i-finger heart siya ni Kim Soo-hyun.

May IG story rin siya na “wedding reception pero ‘yung groom ko ‘di nag-attend, nag-fly agad sa Korea.”

At kasama pa siya sa groufie na ini-upload ng actor.

Bongga siya.

Kaya naman ang kakawa, mga local actor na nilalait pa ng iba, habang ang mga Korean actor pino-promote pa ng mga artista natin.

Jed, Ogie, Rampa Reynas, 2 pang young artists, eeksena sa 7th The EDDYS

Sinu-sino ang tatanghaling pinakamagagaling at karapat-dapat na magwagi sa pinakaaabangang 7th The EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd)?

Nakaabang na ang lahat sa idaraos na Gabi ng Parangal para sa ika-7 edisyon ng The EDDYS o Entertainment Editors’ Choice na magaganap sa July 7 sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom, Newport World Resorts sa Pasay City.

Mapapanood ang kabuuan ng awards night sa delayed telecast nito sa AllTV sa July 14, 10 p.m., na muling ididirek ng award-winning actor at filmmaker na si Eric Quizon.

Magiging bahagi ng 7th The EDDYS ang award-winning singer na si Jed Madela, ang kauna-unahang Filipino artist na itinanghal na World Championships of Performing Arts (WCOPA) winner.

May espesyal ding partisipasyon ang premyadong singer-songwriter at TV host na si Ogie Alcasid na siguradong tatatak sa mga manonood.

Isang pasabog na production number din ang hatid ng drag queens na Rampa Reynas at ng promising young artists na sina Elisha Ponti at Andrea Gutierrez.

Magsisilbing host sa awards night ang itinanghal na Best Actress sa 6th EDDYS na si Janine Gutierrez (para sa pelikulang Bakit Di Mo Sabihin?) kasama ang Kapuso Millennial It Girl na si Gabbi Garcia at movie at TV actor Jake Ejercito. Magiging red carpet host ang radio veteran host na si Mr. Fu.

Inaasahang mas magiging matindi ang labanan sa ikapitong edisyon ng The EDDYS. Magbabakbakan ang limang de-kalibreng pelikula na ipinalabas sa mga sinehan at online platform nitong nagdaang taon na gumawa ng ingay at nagmarka sa mga manonood.

Ang Brightlight Productions ang line producer ng awards night. Sa pakikipagtulungan ng Newport Resorts World at AllTV, kasama pa rin ng SPEEd sa pagtatanghal ng 7th The EDDYS ang Globe Telecom bilang major sponsor.

Katuwang din ng grupo ngayong taon ang Beautéderm ni Rhea-Anicoche Tan, Unilab, Frontrow, Kat Corpus Atelier, Sen. Chiz Escudero, Sen. Bong Revilla, Camille Villar, former Ilocos Sur Governor Chavit Singson, Kamiseta at ang Echo Jham Entertainment .

TV Patrol, may Express na!

Ipapalabas na sa Kapamilya Channel, A2Z, Jeepney TV, at ALLTV ang TV Patrol Express ng ABS-CBN, simula Hulyo 1 (Lunes).

Tuwing hapon sa free TV pati na sa livestream sa YouTube at TikTok, makakasama ng publiko sina Jeff Canoy at Denice Dinsay na maghahatid ng mga pinakabagong balita at impormasyon na maaa­ring abangan ng on-the-go viewers sa TV Patrol tuwing primetime.

Ang TV Patrol Express ay ang pinaikling bersyon ng TV Patrol na inilunsad ng ABS-CBN News sa YouTube noong Enero 2 nitong taon bilang pagpapakita ng kanilang dedikasyon na maglingkod sa mas maraming Pilipino saan man sa mundo.

Maaring abangan ang pinakabagong balita at impormasyon sa TV Patrol Express mula 5:30 p.m. hanggang 5:45 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes sa Kapamilya Channel, A2Z, Jeepney TV, at ALLTV.

Showdown nina Charo at Mercedes, umabot sa kalahating million na views

Panibagong all-time high record ang naitala ng FPJ’s Batang Quiapo matapos umabot sa higit kalahating milyon o 502,556 views ang sabay-sabay na nanood sa Kapamilya Online Live ng komprontasyon nina Tindeng at Lena (Charo Santos at Mercedes Cabral) sa episode noong Miyerkules (Hunyo 26).

Patok na patok sa netizens at trending sa social media ang pinaka-inaabangang pagtatapat nina Tindeng at Lena kung saan kaliwa’t kanan na sampal ang inabot ni Lena mula kay Tindeng. Anila, “deserve na deserve” ni Lena ang nangyari sa kanya lalo na’t reyna ang tingin niya sa sarili niya kahit kabit lang naman siya ni Rigor (John Estrada)

vuukle comment

ANDREA BRILLANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with