^

Pang Movies

Ken, hilig mag-me time sa eroplano

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Ken, hilig mag-me time sa eroplano
Ken Chan

Kahit na masasabing successful na ang showbiz career ng Kapuso actor na si Ken Chan ay meron pa rin daw siyang pangarap na gustong maabot at ito ay ang ma­ging isang piloto.

Noon pa raw niya dream job ang makapagpalipad ng eroplano. Kaya konektado ang kinuha niyang kurso sa pagiging piloto.

Baka nga raw hindi pa huli ang lahat baka kaya niya pa itong maabot.

Kaya naman iba raw ang excitement na nararamdaman niya tuwing bumibiyahe siya lalo na kung long flights.

Bukod sa gustung-gusto niya ang mga eroplano at paglipad nito ay gusto raw niya ang pakiramdam na nasa loob nito na may iba’t ibang tao na nakakasalamuha.

Nadidismaya pa nga raw siya kapag mabilis lang ang kanyang biyahe. Nabibitin daw talaga siya.

“Nadidismaya nga ako kapag iyong flight, mga limang oras lang, apat na oras, I do not like that. Nabibitin ako. Besides doon sa pagiging gusto kong maging piloto, gusto ko ng airplane kasi I feel like I am independent.“

Ito rin pala kasi ang pagkakataon para makapag-me time ang Abot-Kamay na Pangarap actor.

Marami raw siyang nagagawa ‘pag napapag-isa siya sa flight.

Nagagawa raw niya sa loob ng eroplano ang mga gusto niyang gawin gaya ng pagsusulat sa planners, panonood ng movies, nakakausap ang kanyang sarili at pagtulog nang mahimbing.

Dito nga rin ay nakakapagdasal pa siya nang taimtim kaya ganon na lamang ang pagkagusto niya sa long flight at planes.

Normal nga siguro ang nararamdaman niya lalo na sa gaya niyang artista na laging busy at madalas pang pagkaguluhan ng fans tuwing lumalabas.

vuukle comment

KEN CHAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with