^

Pang Movies

Ruru at bianca, dalawang beses naghiwalay!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Ruru at bianca, dalawang beses naghiwalay!
Ruru Madrid at Bianca Umali

In our recent interview with Black Rider star na si Ruru Madrid for our online talk show, TicTALK with Aster Amoyo on YouTube, inamin nitong dalawang beses silang nagkahiwalay ng kanyang girlfriend na si Bianca Umali.

Umabot ng isang taon ang una nilang breakup habang walong buwan naman ang pangalawa. Pero sa kabila ng kanilang paghihiwalay noon ay nag-uusap pa rin umano sila at dito umano nila na-realize kung gaano nila kamahal ang isa’t isa.

Ayon kay Ruru, dumating din umano sa point na kamuntik na siyang gumib-ap sa kanyang showbiz career sa pag-aakalang walang nangyayari at tinaningan niya ang kanyang sarili na kung wala pa rin umanong mangyayari sa kanyang programang Lolong ay hihinto na siya. Pero bago pa man ito mangyari ay nagulat siya nang malaman niyang nagri-rate ang Lolong sa kabila ng maraming balakid na pinagdaanan ng serye bago ito naere.

“Dumaan ako sa depression,” pag-amin ng Kapuso actor.

Although marami na siyang seryeng nagawa, tumingkad ang kanyang pagiging lead actor nang pagbidahan niya ang seryeng Lolong in 2022 na siyang naging daan para muli siyang pagkatiwalaan ng panibagong serye na siya pa rin ang pangunahing bida, ang Black Rider.

Pitong buwan na sa ere ang Black Rider na umaagaw rin sa rating ng Batang Quiapo.

Samantala, hindi ikinakaila ni Ruru na si Bianca na ang babae para sa kanya. Sa pagdaan ng maraming taon ay mas lalo umanong tumatatag ang kanilang relasyon.

vuukle comment

RURU MADRID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with