^

Pang Movies

Oppa, mapapanood sa Black Rider!

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa

Ang bongga naman ng Korean drama actor na si Kim Ji Soo na papasok sa Kapuso seryeng Black Rider.

Kilala siya sa mga K-drama gaya ng Moon Lovers: Scarlet Heart Ryeo, Strong Woman Do Bong Soon, at My First First Love.

Sa patikim pa lang nito ay tuwang-tuwang na ang K-drama fans. Lutang kasi agad ang kaguwapuhan ng Oppa.

Gaganap itong matipunong self-defense coach na si Adrian Park. Sa teaser ay pinakitang sasanayin niya sa pakikipaglaban ang karakter ni Yassi Pressman matapos ang naging banta sa buhay nito.

Matagal-tagal na nga raw nang huli nilang mapanood si Kim Ji Soo at mabuti na lamang daw mapapanood na nila ito ulit sa serye ng GMA.

Ayon nga sa netizen ay mabubuhay raw ulit ang TV na matagal nang natutulog dahil sa Oppa.

Hindi pa pala tapos ang matitinding pasabog sa full action series na pinagbibidahan ng Kapuso actor na si Ruru Madrid.

Bukod sa K-actor, dalawang bagong karakter ang ipakikilala nila sa mga manonood at isa roon ay si Jak Roberto.

Siguradong hindi magpapahuli sa kagwapuhan at pati pagandahan ng katawan ang karelasyon ng aktres na si Barbie Forteza.

vuukle comment

KAPUSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with