^

Pang Movies

Fans nina Kathryn at Alden, nabibitin na

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Asking for more photos and reels o videos ang fans nina Alden Richards at Kathryn Bernardo sa birthday party ng kasama sa glam team ni Kathryn Bernardo, ang make-up artist na si Justine Claudia del Rosario. Imbitado si Alden Richards sa party at sa nakita naming reels, magkatabi sila sa upuan ni Kathryn.

Matagal walang sightings sa kanila, na-miss sila ng fans, kaya nang may lumabas na reels, tuwang-tuwa ang fans. Bumalik ang kanilang kilig, kaya lang nabitin and asking for more sila.

Speaking of Alden, sa July 25 to Aug. 23-24 ang schedule ng shooting niya sa Canada ng Hello, Love, Again nila ni Kathryn. Totoo na ito dahil si director Cathy Garcia-Sampano ang source at ibinalita sa TikTok.

Nauna nang mag-shooting sa Hong Kong sina Alden, Jeffrey Tam, at Joross Gamboa, hindi nila kasama si Kathryn dahil sa story ng Hello, Love, Goodye, nasa Canada na ang karakter niyang si Joy.

Sa July 26, ang streaming ng Pulang Araw sa Netflix at July 29 ang premiere ng series sa GMA 7 at sa parehong petsa, wala sa bansa si Alden.

Kyline at Kobe, huling HHWW!

Nakunan ng video sina Kyline Alcantara at Kobe Paras na magka-holding hands habang naglalakad. Hindi yata aware ang dalawa na may kumukuha ng photo habang sila ay naglalakad at nasa likuran nila.

Sabagay, wala namang masamang ginawa ang dalawa, nag-holding hands lang at inalalayan siguro ni Kobe si Kyline dahil mataas ang heels ng suot na sapatos.

Sa likod ang kuha ng video, kaya back view nila ang makikita sa video.

Ibig bang sabihin nito, si Kobe na ang magiging escort at date nito sa GMA Gala 2024? Last week, may nakausap kaming close kay Kyline at inalam namin kung sino ang magiging escort niya sa gala. Wala pa raw siyang napipili o hinihintay pang may mag-offer na maging escort niya.

Sa paglabas ng video na holding hands sila, nasagot na siguro ang mga tanong natin.

Claudine, emosyonal sa birthday ni Sab

Twenty years old na pala ang eldest ni Claudine Barretto na si Sabina Barretto. Adopted nina Claudine at Raymart Santiago si Sabina at noong birthday nito, isang madamdaming birthday message ang pinost ng aktres sa kanyang Instagram.

“June 21, 2OO4 i became a Mother at 24. God sent me an Angel in a form of a beautiful child. my Soul has long been Dead till my daughter made me live again. I was once ALIVE again. to my CHOSEN one. you are  the reason i chose to live again Sab. God really loves me. He gave me you. Happy 20th birthday anak. you make this world a better place by existing & by being u. i luv u more than you’ll ever know. you truly are an Angel here on earth. Mommy loves u.”

Nakakatuwa ang birthday celebration nito, sa bahay lang at sila-sila lang. After Sabina, may dalawa pang adopted si Claudine kaya hindi kami nagulat na may bago siyang adopted baby, lalo na at malaki na ang bunso niyang si Noah.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with