^

Pang Movies

Rabiya, naloko ng business partner!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Rabiya, naloko ng business partner!
Rabiya Mateo

Naloko pala ang aktres na si Rabiya Mateo ng kanyang business partner na aabot sa P1 milyon.

Ikinuwento ng karelasyon ni Jeric Gonzales sa GTV Balitanghali na siyam na buwan na ang lumipas mula nang malaman niya ang ginawa nitong panloloko sa kanya.

Tinanggap na lang daw niya ang nangyari kahit masakit ito para sa kanya.

Naging mas maingat na nga raw siya ngayon sa pagpasok sa negosyo para hindi na ito maulit.

Maaalalang kamakailan ay naintriga si Rabiya at ang karelasyong aktor na nagpa-VIP diumano ang mga ito sa pagbili ng concert tickets.

Inakusahan pa sila na libre lamang ang ticket nila at nag-feeling entitled pero agad niyang kinlaro iyon at itinanggi. Sinabi nito na gaya ng iba pang nanood ay pinaghirapan nilang bilhin ang tickets at hindi ginamit ang pagiging artista sa paghahanap.

Pero hindi iyon ang huling beses na naloko siya dahil na-scam din daw sila sa pagbili ng concert tickets.

“We’ve been scammed the first time we tried to buy these tickets.

“Just like the rest of you, we had a hard time looking for available tickets.

“Contrary to what most of you think, walang artista-artista sa paghahanap,” bahagi niya noon.

“we wanna clarify that the rumors circulating are not true. we bought the tickets for 12,000php each.

“Just like the rest of them. We worked very hard to afford the tickets and never demanded for any vip treatment but we would like to commend the ushers for helping us find our seats,” pahayag niya sa mga bintang nang manood siya ng concert ng Korean singer na si IU.

Sinabi rin nito noon na hindi lahat ng nababasa ay totoo kaya huwag basta maniniwala sa mga nababasa online.

vuukle comment

RABIYA MATEO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with