^

Pang Movies

Sexy actress, niregaluhan ng bahay ng ultra rich jowa!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

May brand new house pala ang isang sexy actress na worth more than P100 million.

Yes, you read it right.

Nagkakahalaga nga raw itong mahigit isandaang milyones.

Mayaman naman si sexy actress pero regalo diumano ang bagong bahay at lupa ng karelasyon ng sexy actress.

Sosyal nga raw kasi ang papa ni sexy actress, ang yaman-yaman as in ultra rich.

Kaya jackpot na rin si sexy actress dahil may posibilidad na pakasalan din siya nito.

Sosyal, walang binabatbat ang ibang mga nagdi-display ng kanilang mga designer item sa social media.

Ito literal na jackpot dahil sa yaman ng karelasyon.

Male personality, malakas ang paramdam sa Pride Month

Parang gusto na ring mag-out ng isang male showbiz personality.

Sa kanyang mga post sa Instagram, malakas na ang paramdam na miyembro siya ng LGBTQIA community.

Ngayong buwan ng June pinagdiriwang ang Pride Month.

Sa mga post niya ay may pictorial ito na naka-fuchsia pink at meron ding suot ang white polo pero may hawak na balloons na iba’t iba ang kulay.

Walang masama kumbaga. Wala ring pinipiling social status ang gender.

Ang importante ay masaya siya.

Pero hintayin na siya ang maglantad at ‘wag pangunahan.

Speaking of Pride month, nagpasalamat ang QC Government sa lahat ng nakiisa sa Love Laban 2 Everyone Pride Festival.

Umabot pala sa 200,000 ang dumagsa sa QC Circle noong Sabado ng gabi pero naging disiplinado kaya naging maayos at ligtas ang lahat sa buong araw na programa.

Pero inulan nung gabi kaya nakompromiso ang electrical at sound system sa stage nang dahil sa malakas na ulan at posibleng makapinsala sa mga crew at mahal nating performers.

Dahil dito napagdesisyunan ng mga organizer na unahin ang kapakanan at kaligtasan ng lahat at tapusin nang maaga ang programa.

vuukle comment

HOUSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with