^

Pang Movies

Sarah, natauhan na!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Mangiyak-ngiyak pa si Sarah Geronimo sa isang video na naka-post sa social media at nagpapahayag ng kanyang pagmamahal sa kanyang mga magulang. Siguro kahit na papaano naantig naman ang damdamin nina Daddy Delfin at Mommy Divine, dahil talagang ganoon ang mga magulang hindi matitiis ang anak.

Pero ang kakatuwa, bakit inabot ng ilang taon bago na-realize ni Sarah kung gaano niya kamahal ang tatay at nanay niya? 

Bakit hindi niya na-realize kung gaano kasakit sa mga iyon ang ginawa niyang pagtatago sa kanyang kasal at nangatuwiran pang of legal age na naman siya at hindi niya kailangan ang approval ng mga iyon? 

Hindi ba’t kung iisipin habang may edad ka nga ay lalong lumalaki ang utang na loob mo sa iyong magulang dahil sa mas mahabang panahon ng pag-aalaga nila sa iyo? 

Salamat naman at natauhan na si Sarah kahit na papaano.

Barda, inaabangan ang panalo sa sugal!

Uy sumabak na pala sa pelikula sina Barbie Forteza at David Licauco, ang love team na sinugalan ng GMA 7 nang husto.

Ngayon malalaman na natin kung nanalo o natalo sila sa kanilang sugal. Sana kahit na ambon man lang umabot. Magandang sukatan iyan dahil pelikula eh makikita natin kung nakuha nga ng kanilang love team ang atensiyon ng masa. 

Hindi kasi mapipilit ang love team. Mayroong hindi naman mag-syota kagaya nina Susan Roces at Eddie Gutierrez, nina Alden Richards at Maine Mendoza, pero tinanggap ng publiko. 

Mayroon namang kahit na sabihin mong mag-syota wala pa rin. 

Tingnan natin kung nagtagumpay sila ngayong may ilalabas na pelikula.

Pangreresbak kay Roque, nagamit sina Ronnie Liang at Mr. Supranational

Ano ba iyan, bakit ba kalat na kalat sa showbiz circles ang mga kuwento tungkol sa dating presidential spokesman na si Harry Roque, hindi naman siya artista. Hindi naman siya na-involved sa pelikula. 

Aywan kung bakit ba masyadong silang inggit sa kanya kung nakasama niya sa abroad ang da­ting Mr. Supranational na si AR dela Serna. Kagaya ng sinabi niya, gastos naman niya ang lahat, at afford niya iyon pero siyempre nanggigigil ang mga bading na ang ambisyon ay “sana all.” 

Totoong pogi iyon pero hindi naman siguro dahil pogi siya kaya ginawa siyang Executive Assistant III ni Roque sa kanyang opisina sa Malacañang noon na may suweldong P54K kada buwan sa loob ng isang taon.

Isa pa bakit si Dela Serna lang ba ang pogi sa opisina ni Roque? May isang indie actor nga rin noon na sinasabing sa Malacañang siya nagtatrabaho, sa office rin ni Roque. Wala nga lang katunayan. Hindi gaya ni Dela Serna na ang papeles nakuha sa raid ng isang POGO sa Porac, Pampanga. 

Hindi lang iyan ang dami ring naka-post na picture ni Roque kasama si Ronnie Liang na hinahamon pa ang singer na mag-top less dahil siya raw ay magta-topless din.

Hindi na maganda iyan sa aming tingin. Mukhang nireresbakan na rin si Roque ng kanyang mga nakalaban.

vuukle comment

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with