^

Pang Movies

Bini lumobo sa P8 million ang TF?!, Independence Day concert niyanig ng fans

Salve V. Asis - Pang-masa
Bini lumobo sa P8 million ang TF?!, Independence Day concert niyanig ng fans
BINI PH

MANILA, Philippines — Wow you cannot argue with success talaga.

At ito ang tinatamasa ngayon ng all-girl pop group na BINI.

Ayon sa source, P8 million na diumano ang talent fee ng group.

Dahil walo sila, parang lumabas na P1 M na each ang bawat miyembro kung true ‘yun.

Pero siyempre may mga commission ang management group nila.

Na walang masama dahil nagbabayad nga ang mga local promoter natin ng mas mahal pa sa P8 million sa mga Korean pop artist.

Ang BINI ay binubuo nina Mikha, Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Jhoanna at Sheena.

Si Direk Lauren Dyogi ang kabilang sa unang naniwala sa BINI na nilunsad nila noong papatapos na ang pandemic.

Ngayon massive ang kanilang popularity kung saan mayroon na rin silang sariling website, ang bini.global at official merchandise items.

Dahil din sa massive popularity nila hindi na nila tinapos ang performance sa Indendence Day sa Qurino Grandstand last Wednesday, June 12.

Grabe raw ang fans, talagang nagkagulo nung lumabas na ang grupo.

May nakita akong isang video na totoong yanig ang Quirino Grandstand sa fans na nag-uunahang makakuha ng magandang pwesto para maka-video sa performance nila, kaya ‘di na nila natapos ang sana ay ilan pang songs nila.

Kabilang sa hit songs ng BINI ang Na Na Na, Huwag Muna Tayong Umuwi, Lagi, Pantropiko, Salamin, Salamin mula sa kanilang extended play album na Talaarawan.

Ogie, nagkasama ulit ang 2 pamilya

Ang saya ng pamilya ni Ogie Alcasid.

Walang kahit anong animosity.

Sama-sama ang ex and current family niya.

Post nga ng singer / songwriter / TV host na “Finally our family is back together! We celebrate Mark’s birthday, sarah’s graduation, leila’s graduation soon, nate’s graduation and Shelley’s graduation. God is just so good!! Hallelujah!! @mark.morrow68 @michellevaneimeren @sarahalcasid @leilalcasid @reginevalcasid #natey.”

Sana all talaga.

Gumawa ng trophy sa Miss U PH, ‘di nabayaran

Viral kaagad ang post ng ng visual artist na si Jef Albea tungkol sa ‘di pagbabayad sa kanya ng Miss Univere Philippines organizer.

Ayon nga sa visual artist, naglahong parang bula ang mga kausap niya at tumangging magbayad ng trophies na siya ang designer.

Post nito : “I DID NOT GET PAID.

“MISS UNIVERSE phils vanished into thin air. They refused to pay me for the trophies I designed and crafted for the coronation night. All the effort, dedication and passion I put in creating these pieces, ended up ignored and disregarded when payment was due.

“I do not need nor will I accept a single centavo from the organization anymore. What I need now is for them to learn that ARTISTS DESERVE RESPECT. We pour our hearts and souls into our creations. Our ideas don’t just appear from thin air just to work for an xdeal. They are the result of intense thought, deep emotions, and sleepless nights. Not to mention, opportunities missed, money and years spent honing our craft.

“I fiercely advocate for my fellow artists with unwavering passion, not all artists can take and afford this mistreatment.

“PLEASE, DO NOT LET OUR WORK BE TAKEN FOR GRANTED.”

May kumalat na sagot ang MUP at nanga­ngatwiran na magbabayad naman sila at nanghihingi lang daw sila ng proper documentation.

Si Chelsea Manalo, ang kinoronahang bagong Miss Universe Philippines at sasabak siya sa papara­ting na international pageant sa Mexico.

Ba’t ganun, lagi na lang may kasamang kontrobersya ang MUP.

Pero sa totoo lang, nabawasan na ang excitement sa mga beauty pageant.

vuukle comment

OGIE ALCASID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with