^

Pang Movies

Albie, apaw ang kaligayahan sa anak

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Albie, apaw ang kaligayahan sa anak
Michelina, Roman Andrew at Albie

Sa wakas ay nakita na ni Albie Casiño ang kanyang baby boy na si Roman Andrew matapos itong ipanganak sa US ng kanyang non-showbiz girlfriend na si Michelina last April, 2024.

Nitong June 11 ng gabi ay nag-post ang aktor ng isang video kung saan ay makikitang sinundo siya ng kanyang mag-ina paglapag niya sa San Francisco International Airport.

Mapapanood nga sa video na napatalon pa si Albie sa tuwa nang makita ang kanyang mag-ina at agad niyang niyakap at hinalikan ang girlfriend na karga-karga ang kanilang baby boy.

Sa caption, proud na ipinakilala ni Albie sa publiko ang kanyang baby.

“A great man told me “being a dad has no days off and retirement” I wouldn’t have it any other way. I finally got to meet my son. Hello Roman Andrew the world is yours little man,” Albie wrote.

Ang sumunod na post ng aktor ay larawan niya na nasa bahay na siya at katabi niyang natutulog ang kanyang baby.

Sa kanyang Instagram Story naman ay ibinahagi ni Albie ang screenshot ng palitan nila ng mensahe ni Darren Espanto nang manganak si Michelina last April 28, 2024.

Obviously, isa si Darren sa mga unang nakaalam na daddy na si Albie.

Sa convo nila ay sinasabi ni Albie na pumutok na raw ang panubigan ni Michelina. “Baby Ahia is coming,” sey ni Albie kay Darren.

Nagpahayag naman ng pagbati si Darren. Aniya, “AAAAH CONGRATS, AHIA!!!!”

“Ahia” ang tawag sa karakter ni Albie sa seryeng Can’t Buy Me Love na ang ibig sabihin ay “kuya.”

Sunud-sunod din ang post ni Albie sa IGS ng vi­deos and photos ng moments nila together ng kanyang anak.

Dumagsa naman sa comment section ang pagbati sa kanya ng mga kapwa-celebrities kabilang na ang mga kasamahan sa Can’t Buy Me Love na sina Darren, Ruffa Gutierrez, Chie Filomeno, Kaila Estrada and Agot Isidro.

“WE CAN FINALLY TALK ABOUT IT PUBLICLY HAHAHA!” komento ni Darren.

Sey naman ni Ruffa, “Congratulations!! not a secret anymore, Ahia!!”

“Can’t wait to meet my apo!”” sabi naman ni Agot.

“FINALLY!!” ani Chie naman.

Nagpahayag din ng pagbati sina Alexa Ilacad, Rodjun Cruz, Denise Laurel, Rita Daniela, Diego Loyzaga at marami pang iba.

Matatandaang inamin ni Albie ang relasyon nila ni Michelina sa social media last May, 2023 after a year of being together.

Trina, sinagot ang ‘di pagpunta ng anak sa kasal nina Carlo at Charlie!

May sagot ang ex-girlfriend ni Carlo Aquino na si Trina Candaza sa mga nagtatanong kung bakit wala ang anak nila ng aktor na si Mithi sa kasal nito with Charlie Dizon last Sunday, June 9.

Marami kasi ang nagtataka kung bakit hindi naging parte ng wedding ang 3-year-old daughter nina Carlo at Trina na si Mithi. Komento nga ng ibang netizens, sana ay kinuha man lang daw itong flower girl.

Sa latest vlog ni Ogie Diaz and Mama Loi ay sinabi niyang nakausap niya si Trina at tinanong din niya kung bakit hindi naging part ng entourage si Mithi.

“Tinanong ko si Trina. Sabi ni Trina, nasa kanya lang daw si Mithi. Baka raw ‘yung iba, ma-misinterpret na ‘di niya pinayagan, ha?” sabi ni Papa Ogs.

Ayon daw kay Trina ay hindi naman daw nagtanong sa kanya si Carlo kung pwedeng dumalo si Mithi sa kasal.

“Carlo daw didn’t ask if pwedeng um-attend si Mithi. Pero kay Trina, eh kung nagpaalam lang si Carlo, bakit naman daw ang hindi. Eh hindi nga nag-reach out sa kanya,” kwento pa ni Ogie.

“Ako naman, naiintindihan ko rin naman si Trina kung saan nanggagaling at naiintindihan din naman natin si Carlo kung saan nanggagaling. Na baka ayaw niya munang gambalain at gusto niya ay focus lang siya sa anak niya ‘pag sila nagkita ni Mithi,” sey pa ni Ogie.

Anyway, abangan na lang natin kung ano naman ang sagot ni Carlo.

vuukle comment

ALBIE CASIñO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with