^

Pang Movies

Sa US tour nag-umpisa

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Unang nagkatrabaho ang mag-asawa na ngayong sina Carlo Aquino at Chalie Dizon sa primetime TV series ng ABS-CBN nung 2020, ang A Soldier’s Heart  pero wala pang spark sa kanilang pagitan. At that time ay very much  in love pa   si Carlo at ang ina ng kanyang anak na si Enola Mithi na si Trina Candaza.

Nagkalapit lamang sa isa’t isa ang mga Kapamilya stars na sina Carlo at Charlie nang magkasama sila sa Star Magic US tour  nung August 2022.  April of same year nang magkahiwalay naman sina Carlo at ex-girlfriend na si Trina.  Bago nagtapos ang taong 2022 ay magkasintahan na ang dalawa which the couple only confirmed the following year, early 2023.

Hindi nakadalo si Carlo sa third birthday party ng kanyang anak (kay Trina) na si Enola na ginanap on September 9, 2023, isang araw after her actual birthday which was September 8.

Hindi malinaw kung on speaking terms ngayon sina Carlo at ang ex niyang si Trina.

Carlo is 38 turning 39 on September 3 habang si Charlie ay 28 nung nakaraang April 12.

First movie together nina Carlo at Charlie ang Third World Romance na ipinalabas nung August 16, 2023.

Matagal ang naging relasyon ni Carlo sa Kapa­milya star na si Angelica Panganiban maging sa isang non-showbiz girl pero hindi ito nauwi sa kasalan.

Naging colorful ang buhay pag-ibig ni Carlo nung ito’y binata pa. Si Angelica  ang una nitong naging showbiz girlfriend nung pareho pa silang teen-ager.  Na-link din ang award-winning actor kina Maja Salvador at Camille Prats na may mga pamilya na rin ngayon.

Si Charlie naman ay na-link noon sa actor-dancer na si Jameson Blake pero walang kumpirmasyon na nagmula sa dalawa.

Vehnee may bagong artist

Sa tulong ng mag-asawang Vehnee Saturno at Ladine Roxas-Saturno, humarap ang Hongkong-born and raised in San Francisco, California USA singer / song writer sa ilang select entertainment press para sa launch ng kanyang bagong single na pinamagatang Maraming Salamat which she personally composed at nilapatan ng Tagalog lyrics sa tulong ng kanyang mga kaibigang Filipino.

Sa rami niyang mga Filipino friends ay ramdam umano niya ang pagkakaroon ng malasakit at pusong-Pinoy kahit wala siyang Filipino blood.  Ito umano ang naging dahilan ng kanyang interes na makarating ng Pilipinas at malaman ang kalagayan ng mga Filipino na nakatira sa mga liblib na lugar.

Although kilala ang Leslie Loh sa UK at sa ibang bahagi ng Europe kung saan siya nagsimula sa kanyang singing and music career, minabuti niyang gumamit ng screen name na Qymiran na nagsi-symbolize ng lion, snake, at goat.

vuukle comment

CARLO AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with