^

Pang Movies

Modern Filipiniana ni Lovi, na-kol out

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Modern Filipiniana ni Lovi, na-kol out
Lovi Poe

Kinol-out ng netizens sina Lovi Poe at designer na si Randy Ortiz dahil sa Filipiniana top na suot ng aktres na gawa ni Randy. In fairness kay Lovi, hindi dinelete ang mga comment sa reels niya na I’m sure, nabasa niya.  Caption ni Lovi :“My modern Filipina era begins... Kicking it off with @randy_e_ortiz.”

Pero in-appropriate raw ang suot ni Lovi na Filipi?a crop topped at pinayuhan siya not to disrespect our National Costume. Inalam din nito kung sino ang designer na obviously, hindi nabasa ang caption ni Lovi na naka-tag si Randy.

May nag-sorry kay Lovi dahil mahal daw niya ang aktres, pero hindi niya gusto ang kanyang suot. Okay lang daw na ma-modernize ang Filipiniana dress, pero ‘wag naman gaya ng suot niya na cropped at kita pa ang bra niya pag ginagalaw ang braso.

Sa mga comment, hindi sila galit kay Lovi, ang suot lang niya ang kanilang pinansin, kaya hindi rin naman nag-react si Lovi. In fact, nakipag-biruan pa ito sa ibang nag-comment.

May nagtanong kay Lovi kung kinabag ba siya sa kanyang suot? Sagot ng actress, “Always.” May nag-comment naman na “Maria Clara will be shoot but you are giving.”

Pulang araw sinabay sa Independence Day

In time for Philippine Independence Day ang first drop ng teaser ng Pulang Araw sa Wednesday, June 12. Tungkol sa World War ll ang tema ng historical drama series ng GMA-7, kaya tamang-tama ang paglabas ng teaser nito.

Kahapon, in-announce rin ng Netflix na unang mapapanood sa nasabing streaming platform ang Pulang Araw sa July 26, three days ahead sa July 29 world premiere sa GMA-7. Pinost din nila ang first poster ng historical series at makikita sa poster sina Alden Richards, Barbie Forteza, Sanya Lopez, David Licauco, and Dennis Trillo.

Sa direction ni Dominic Zapata, 20 weeks ang airing nito na mahirap i-extend, kaya ‘wag nang mag-request ng extension ang viewers.

Jolina, nanega sa ginawa sa kasal nila Carlo

Nag-post lang si Jolina Magdangal ng photos at thoughts niya sa kasal nina Carlo Aquino at Charlie Dizon, may mga umaway na sa kanya. Na-share lang ni Jolina na isa siya sa nag-manifest para sa forever ng mga bagong kasal at naniniwala raw siya na iingatan, mamahalin at aalagaan ni Carlo si Charlie dahil alam niyang puso ng aktor ang nagsasalita, may mga nagalit na sa kanya.

Hindi raw matatawag na mapagmahal si Carlo na tinalikuran ang anak para sa sariling happiness. May dumagdag pang mabuti ngang anak at mabait sa pamilya niya si Carlo, pero hindi sa pagiging ama.

May mga kumuwestiyon din na mas pinakasalan ni Carlo si Charlie kesa sa ina ng kanyang anak. Ang lala pa, pinaratangan si Jolina na kunsintidor dahil kinunsinte raw si Carlo. As if naman, may magagawa si Jolina sa desisyon ni Carlo.

Pinasalamatan ni Jolina ang nag-comment na mas kawawa sina Trina Candaza (ex ni Carlo), ang anak nilang si Mithi, at si Carlo mismo kung patuloy silang magsasama dahil lang sa bata. Magsasama kahit wala ng respeto at pagmamahal sa isa’t isa sina Carlo at Trina at hindi na sila masaya na nagsasama. Sinagot ni Jolina ang comment na ‘yun ng “Salamat sa malawak na pang unawa.”

Sabi rin pala ni Jolina, thankful siya witness siya sa kasal nina Carlo at Charlie. Ang sarap daw maka-witness ng mga kaibigan na pa-forever lalo na at kasama niya ang kanyang forever (ang kanyang asawang si Mark Escueta).

vuukle comment

LOVI POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with