^

Pang Movies

Charlie, niregaluhan ng Urian!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Charlie, niregaluhan ng Urian!
Charlie Dizon
STAR/File

Precious gift para kay Charlie Dizon ang pagkapanalo niya bilang best actress sa 47th Gawad Urian para sa captiva­ting performance niya sa pelikulang Third World Romance.

“Kung ‘di niyo lang alam sobrang gandang regalo ito sa akin ngayon. Forever grateful… Before gusto ko lang, I just wanted to be part of the industry. Hindi ko din inakala mamahalin ko pag-arte nang sobra-sobra. Maraming salamat sa lahat ng sumuporta. My family in the US is also here now, so this is also a present for them,” sey ng Kapa­milya actress.

Charlie shares her award sa kanyang boyfriend na si Carlo Aquino na lucky charm niya.

Third World Romance also won best musical score, best production design and best director for Dwein Ruedas Baltazar.

Sanya, demanding ang mga nakaka-M.U!

Nagkuwento si Sanya Lopez na may ilan na siyang naka-mutual understan­ding, pero hindi ito humahantong sa relasyon dahil sa mga nakikita niyang “red flags” at pagiging demanding ng lalaki. “Ka-mutual understanding lang talaga sa akin, laging ganu’n lang. Lagi akong nandoon sa, feeling ko sasagutin ko na dapat siya pero biglang, ‘Oops, wait lang.’ Medyo kapag nagiging masaya na ako masyado, ipinagpe-pray ko na ‘yan. Then after kong mag-pray, nakikita ko na agad ‘yung mga, oops may mga red flag, lumalabas ang red flags niya,” ayon sa Sparkle actress.

May demands din sa kanya ang lalaking kanyang naka-mutual understanding.

“Laging ‘yun ang demand niya sa akin, time. Na ‘You don’t have time for me, parang lagi ka na lang work. Work, work, work.’ Part of it, feeling ko fault ko rin naman talaga na hindi ko mabigyan ‘yung isang tao ng oras because may mga pina-prioritize ako. But if you really love someone, maiintindihan mo naman siguro ‘yung sitwasyon ko. And madalas kasi nagiging issue lang naman sa amin pareho is that hindi nila naa-appreciate ‘yung oras na ibinibigay ko sa kanila.”

Bahagi si Sanya ng cast sa thriller-drama ng GMA Pictures at Viva Films na Playtime, at kasama niya rin dito sina Xian Lim, Coleen Garcia at Faye Lo­renzo. Mapapanood ito sa Hunyo 12.

vuukle comment

CHARLIE DIZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with