^

Pang Movies

Lolit, May alam sa breakup nina Paolo at Yen

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Cellphone ang hinihinging birthday gift ni Lolit Solis sa talent niyang si Paolo Contis, pero hanggang ngayon, hindi pa naibibigay ng aktor. Ang sabi ni Lolit, kapag tinatanong niya si Paolo sa hinihingi niyang cellphone, ang laging sagot ay ino-order pa.

Hindi niya maintindihan kung bakit matagal mag-order ng cellphone at nagatungan pa ng mga pasaway na press people na mabilis lang bumili ng cellphone. Magpunta ka lang daw ng mall, makakabili ka na.

Hanggang may mag-comment na mahal na cellphone kasi ang hinihingi ni Lolit, more than P100K ang presyo. Nagulat tuloy si Lolit na ganu’n kamahal ‘yun.

Natanong uli siya kung bakit sa rami ng pelikula at may mga TV show pa siya, hindi pa rin ito nakabibili ng bahay. Siguro raw dahil sa bahay siya ng mom nito nakatira, kampante na ito. Kanino nga naman mapupunta ang bahay kundi sa kanya?

Pero ang mas totoong dahilan ay dahil waldas daw si Paolo, kapag may pera, mabilis ubusin, kaya hindi nakakaipon.

May napupuntahan naman ang pera ni Paolo dahil co-producer siya ng mga pelikula ng Mavx Productions. Sunud-sunod ang paggawa ng pelikula ng film company, ibig sabihin, kumikita ang kanilang mga pelikula.

Ang hindi sigurado si Lolit ay sa love life ni Paolo dahil hindi siya sure kung break

na ba talaga sila ni Yen Santos. Kung break na, baka magkabalikan pa raw.

Claudine, pinagmalaking dinamayan ang sinaktang kaibigan

May sagot si Claudine Barretto kung bakit naka-video at pinost pa niya ang pag-comfort niya sa isang kaibigan na based sa caption niya, sinaktan ng asawa ba o boyfriend. May disclaimer siya na hindi nila alam na kinukunan sila ng video at sinagot pa rin nito ang tanong.

“To show po the power of friendship and that us as women should be there for each other lalo na po pag sinasaktan. I have to protect my friend bcoz once upon a time no one was there for me when i was in the same situation.”

Sumagot na rin si Kate Brios, ang friend ni Claudine na kanyang kinu-comfort. Sa kanya raw ang video at siya rin ang nag-post at na-share lang nito sa IG. Kaya naman niya pinost dahil sobra siyang na-touch sa ipinakitang suporta nito sa kanya at nasaktan ito dahil nasaktan siya.

Sa nag-comment naman na kaya pinost nito ang video dahil tatakbo siya sa pulitika. Sagot ni Claudine, “hindi po. tumutulong lang po sa kaibigang inaabuso at sinasaktan.”

May nag-comment tuloy na ang pananakit sa mga babae ang isa sa mga rason kung bakit kailangan ng divorce sa bansa.

Xian, pinatatahimik na ni Kim!

Sagutin kaya ni Xian Lim ang naging reaction ng ex niyang si Kim Chiu sa patuloy na pagbanggit ni Xian sa mga interview sa kanya sa past relationship nila? Sa medicon kasi ng Playtime at sa mga sumunod na interview kay Xian, laging napag-uusapan si Kim at ang naging relasyon nila.

Nang ma-interview ni MJ Felipe si Kim for ABS-CBN News, may comment si Kim na inaabangan na ang magiging reaction naman ni Xian.

vuukle comment

PAOLO CONTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with