^

Pang Movies

Coco at Julia, todo bakasyon!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Coco at Julia, todo bakasyon!
Coco at Julia

Lagi nang nakikitang magkasama sina Coco Martin at Julia Montes. Base sa mga naglalabasan sa kanilang social media account, bakasyon sila sa Spain sa kasalukuyan.

Mas normal na sila ngayon bagama’t wala pa rin silang sinasabi kung totoo ngang may mga anak na sila.

Kung sabagay, hindi naman matinee idol si Coco na kailangang mabuhay sa ilusyon ng isang love team. Action star siya at hindi ba mas mabuti ngang bilang isang action star, at tunay na lalaki ay panindigan niya ang kanyang relasyon?

Hindi na issue ang ganyang relasyon, pribadong bahagi ‘yan ng kanilang buhay.

They deserve to be happy.

Sanya, kailangan ng research!

Isang comfort woman si Sanya Lopez noong panahon ng pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas ang kanyang role sa inihahandang teleserye ng GMA 7.

 Iyan ay isang napaka-sensitibong role na kung natatandaan ninyo na ang mga nauna sa kanila ay inaalmahan ng mga Hapones.

Dumating din sa panahong nagsampa pa ang Pilipinas ng demanda laban sa Japan para bigyan ng tamang compensation ang comfort women sa Pilipinas na naging biktima ng kanilang mga sundalo noong panahon ng pananakop.

Natural na kuwento ng mga comfort women ang pagmamalupit sa kanila at pang-aabuso ng mga sundalong Hapones, pero kung pakikinggan ninyo ang kuwento ng matatanda noong araw may mga kakilala sila na galit sila dahil ang mga iyon ay “asawa” o “kabit” ng mga Hapones na tumutulong pa sa mga kalaban ng bansa noong panahon ng pananakop.

Ang turing sa mga babaeng nakipagrelasyon sa mga Hapones ay parang mga collaborator din, kagaya ng mga taksil na Makapili.

Kaya ang role ni Sanya baka ang narinig lamang niya ay isang bahagi ng kuwento ng mga inaping comfort wo­men hindi niya narinig ang mga comfort women na nakinabang sa mga Hapones at nagbibigay pa ng impormasyon sa mga iyon kung sino ang mga kasapi ng samahang gerilya noong panahon ng digmaan.

Kaya kailangan niya ng research.

Tatay ni Niño, ikinasal sa trenta anyos!

Ano nga ba ang issue kung ang producer na si Alex Muhlach ay nagpakasal pa sa kanyang GF na 30 years old lamang?

Hindi naman issue ang edad. Marami na ring dumaang relasyon si Alex, dalawa na yata pero nang lumaon ay nagkaroon siya ng problema at nauwi sa paghihiwalay.

Si Niño Muhlach na anak ni Alex ay isang artista at public figure, ganoon din ang kanyang mga apo na sina Sandro at Alonzo. Public figure rin ang kanyang kapatid  ang aktres na si Amalia Fuentes, pero si Alex mismo, hindi mo naman masasabing public figure kaya bakit kailangan ninyong pakialaman ang personal niyang buhay.

Kung saan ba siya maligaya eh ‘di doon siya.

Minsan lang talaga hindi alam ng marami kung hanggang saan ang pwede nilang pangingialam sa buhay ng may buhay.

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with