^

Pang Movies

Kylie, may patikim sa foreigner na karelasyon

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Kylie, may patikim sa foreigner na karelasyon
BF at Kylie

Ang bongga naman ng aktres na si Kylie Verzosa na kasama ang bagong boyfriend niya sa Saint-Tropez sa France.

Binahagi nga ni Kylie ang litrato nila kung saan suot niya ang isang yellow tube dress kasama ang isang lalake na foreigner.

Makikita sa kanilang photos ang pamamasyal nila at pagkain ng gelato at pati na rin ang yakapan nila sa beach.

Makikitang lutang ang pagka-in love ni Kylie sa foreigner boyfriend.

Kinilig ang fans niya sa kanilang mga litrato at pinusuan ng mga ito.

Hindi naman nakalimutan ng mga tagahanga niya ang ex nito na si Jake Cuenca at pati ang proposal prank nito ay naalala pa ng mga ito.

Botong-boto raw sila sa bagong karelasyon ng aktres dahil deserve raw nito ng lalakeng rerespetuhin siya itatrato siya nang tama.

Alfred, ‘di nakakalimot

Ang sarap naman na magkikita-kita kami para batiin si Alfred Vargas sa panalo niya as Best Actor ng Famas ka-tie si Piolo Pascual.

Ang sarap dahil gusto ni Alfred na kasama niya ang mga tao na nakatulong sa career niya mula pa noong nag-umpisa siya.

Sa matagal na panahon lalo pang na-hone ang talento ni Alfred Vargas. Kaya naman habang nagtatagal lalo pa siyang gumagaling na actor.

At isang patunay na tanggap siya ng mga kasamahan niyang magaling na artista ang pagbati mula kina Boyet de Leon, Tonton Gutierrez at Lorna Tolentino. 

Bongga.

vuukle comment

KYLIE VERZOSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with