^

Pang Movies

Miles, pinatawad sa ‘pataba’ si Joey

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Miles, pinatawad sa �pataba� si Joey
Miles

Hindi napigilang maging emosyonal ni Miles Ocampo sa mediacon kahapon ng first solo lead teleserye niya sa TV5 na Padyak Princess habang ikinukuwento kung paano niya tinanggap ang nasabing show.

“Nu’ng prinisent po sa akin, naiyak po talaga ako. Sabi ko po kina direk Mike (Tuviera of APT Entertainment, isa sa producers), ‘sure po ba kayo talaga?’” sey ni Miles.

Aniya pa, ngayon lang daw siya nag-presscon na siya ang bida dahil dati raw, ang roles niya ay best friend or kapatid ng bida.

Kaya naman labis-labis ang pasasalamat ng aktres sa producers (TV5, Cignal, BuKo at APT Entertainment) sa ibinigay sa kanyang big opportunity na ito at nangakong gagalingan niya’t hindi niya bibiguin ang mga ito.

Anyway, sa mediacon ay isa sa naitanong sa kanya ay kung hindi ba siya na-offend sa joke ni Joey de Leon kama­kailan tungkol sa kanyang weight na umani ng katakut-takot na reactions mula sa netizens.

Nagkomento kasi si Joey kay Miles sa Peraphy Pataas o Pababa segment ng Eat Bulaga na “pataba” sa halip na “pababa.”

Dahil dito ay na-bash nang bonggang bongga si Joey sa body shaming na ginawa sa kanya.

Ayon sa aktres ay hindi naman daw siya na-hurt dahil sanay naman na talaga siya sa biruan ng Dabarkads.

“Sa Dabarkads, bawal ang pikon do’n. Sanay lang sa mga bawat banat at hirit ng isa’t isa, so walang problema po.”

“Actually si Boss Joey, naapektuhan din kasi nga (sabi ni Joey), ‘bakit galit ‘yung mga tao sa akin?’ eh segment naman po namin sa Eat Bulaga ‘yung ‘pataas, pababa.’

“Sabi ko kay Boss Joey, ‘okay na po ‘yun, sadyang ang mga tao talaga ngayon ay makabilis makahanap ng mali, kaya napupuna agad.’ Pero sabi ko, wala pong problema. And the next day naman, nag-sorry naman si Boss Joey sa akin, so, walang problema po,” pahayag pa ni Miles.

Samantala, magsisimula na ngayong June 10 ang Padyak Princess sa TV5 at mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 11:15 a.m. bago mag-Eat Bulaga.

Kasama ni Miles sa serye ang dalawa niyang leading men na sina Joao Constancia and Jameson Blake. Also in the cast are Kira Balinger, Yayo Aguila, Jillian Vicencio at marami pang iba.

Claudine, naghe-hello na sa divorce

Nagpahayag na rin ng pagpabor si Claudine Barretto sa mainit na usapin ng divorce bill sa Pilipinas.

Sa kanyang Instagram account ay nag-post ang aktres ng quotes in favor of divorce.

Sa isang quote ay nakasaad na “hello divorce. Divorce: Having the courage to choose how you’re going to spend the rest of your life.”

Ang isa namang quote ay ganito ang nakasaad: “Divorce. The end of an ERROR.”

Sa kanyang caption ay ipinunto ng aktres na painful, expensive at masyado raw mahaba ang proseso ng annulment. Para sa aktres, ang diborsyo ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga tao na itama ang kanilang naging pagkakamali.

“Annulment is a very long, painful & very Expensive  Divorce gives you a second chance to right your wrongs. JUST MY OPINION,” sey ni Claudine.

As we all know, hanggang ngayon ay nananatili siyang kasal with estranged husband Raymart Santiago at hindi pa rin matapous-tapos ang kanilang annulment case.

vuukle comment

MILES OCAMPO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with