Melanie, ‘di pa limot ang trauma sa Miss International
Sinagot ni Melanie Marquez ang tanong kung ano ang pinakamasakit na intriga na kanyang naharap sa kaniyang career.
Sa programang Sarap, ‘Di Ba? sumalang sa hot seat si Melanie para sagutin ang tanong na, “Ano ang pinakamasakit na pangdya-judge sa pagkatao mo na narinig sa pagkatao mo?”
Diretso siya sa pagsagot: “Ang pinakamasakit talaga na nag-react ako ay natulog ako sa mga judge kaya ako nanalo ako ng Miss International.”
Si Melanie ay kinoronahan na Miss International 1979 sa Tokyo, Japan.
Dagdag pa ni Melanie, nagtrabaho siya para sa korona kaya “hitting below the belt” daw ang issue na ito.
“Well in fact, mga judge, mga conservative old ladies. So sabi ko, ako na ang nagtrabaho nang maigi, binigyan ko na ng honor ang country natin, just to get my attention hitting below the belt and that is a no-no.”
Ayon pa sa beauty queen at aktres, nag-aral pa siya ng Japanese bago ang pageant.
“Hindi nila alam nag-aral pa ako niyan ng Japanese kasi nga alam ko noong pinag-aralan ko ang kultura nila, very nationalistic sila. So I need to learn their language at least to let them know na that I am really pleased. Ganoon dapat lagi nakahanda ang beauty queen.”
- Latest