^

Pang Movies

Erik, may sagot sa dasal

Pang-masa
Erik, may sagot sa dasal
Erik Santos

MANILA, Philippines — Pagiging matatag at puno ng pag-asa sa gitna ng mga pagsubok ang mensaheng ibinahagi ng pop ballad royalty na si Erik Santos sa kanyang bagong awitin na Sagot Sa Aking Dasal.

“Para sa lahat ng nagtiyaga upang maabot ang kanilang pangarap, ang awiting ito’y para sa inyo. Ito ang kwento ng pagsusumikap para maabot ko ang pangarap ko kasama kayo,” saad ni Erik sa kanyang Instagram post.

Isinulat ni Yeng Constantino ang Sagot Sa Aking Dasal habang iprinodyus ito ni ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo.

Samantala, naging matagumpay ang concert ni Erik na Milestone kung saan ipinagdiwang niya ang ika-20 anibersaryo sa industriya na naganap sa SM Mall of Asia Arena noong nakaraang taon.

Hinirang din ang nasabing event bilang Best Major Concert (Male) sa naganap na 36th Aliw Awards.

Unang nakilala si Erik nang manalo siya sa Star in a Million season 1 noong 2003. Patuloy niya pinahanga ang publiko sa iba’t ibang hit songs niya tulad ng Pagbigyan Muli, I’ll Never Go, at Bakit Ba Iniibig Ka.

Nakatanggap din siya ng mga parangal mula sa Awit Awards, FAMAS, at PMPC Star Awards for Music at kinilala bilang king of Pinoy teleserye theme songs.

Pakinggan ang bagong single ni Erik na Sagot Sa Aking Dasal  na available sa iba’t ibang digital streaming platforms.

vuukle comment

ERIK SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with