^

Pang Movies

KC, nasagot na ang pagmo-move on!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
KC, nasagot na ang pagmo-move on!
Mike at KC
STAR/File

Nasagot na ang post ni KC Concepcion a few weeks ago tungkol sa moving on dahil ang balita, nag-unfollowhan na sila ni Mike Wuthrich sa Instagram. May mga natuwa, lalo na ‘yung sa una pa lang na nabalita ang relasyon ng dalawa ay hindi na pabor kay Mike, red flag daw ang guy at bakit daw hindi ‘yun nakita ni KC.

‘Kaaliw lang dahil ang mga hindi pabor ay hindi naman related kay KC at hindi rin sila kilala nito, pero sige sila sa pagre-remind sa panganay ni Sharon Cuneta na hindi bagay si Mike sa kanya. She deserves someone better daw.

Ang ibang netizens na wala ring kinalaman kay KC, nagkanya-kanya ng bet sa kung sino ang bagay sa kanya. May mga nanghinayang sa ex niya na sina Aly Borromeo at ‘yung French guy na nakabalikan niya, pero nag-break din. Natatandaan nilang bet ni Sharon si Pierre Emmanuel Plassart na pumunta pa ng bansa, pero naghiwalay rin sila.

Kung itsi-check ang Instagram ni KC, masaya siya at may moving on photo pa nga siya. Naalala namin sa isa niyang vlog, nabanggit na dream niyang magkapamilya at magkaanak, ibig sabihin, gusto pa rin niyang maging wife at mother. Hintayin na lang natin na dumating sa buhay niya si Mr. Right.

Paulo, hatid-sundo si Kim?!

Kahit sinabihan na ni Paulo Avelino ang shippers nila ni Kim Chiu na ‘wag madaliing magka-relasyon si Kim at hayaan muna itong mag-heal after ng breakup nila ni Xian Lim, ayaw papigil ng fans.

May nabasa kaming kilig na kilig na kinukuwento na hatid-sundo ni Paulo si Kim sa It’s Showtime? Totoo ba ito? Gumigising nang maaga si Paulo para ihatid ito sa studio? Baka ‘yung sundo totoo pa, pero ang ihatid?

Isa pang tsika, patunay pa raw na may relasyon na sila ay ang pagpapakilala ni Paulo kay Kim sa friends niya. Sa gym pa raw na pina-patronize ni Paulo dinala ang leading lady sa What’s Wrong With Secretary Kim? at doon ipinakilala sa mga kaibigan.

Dagdag na tsika pa, magkasama raw ang dalawa sa Amanpulo noong birthday ni Paulo at kailan lang ‘yun? Tanong ng fans, bakit walang photos na lumabas lalo na ‘yung sa Amanpulo para mas kapani-paniwala ang mga kuwento.

Ang sagot ng KimPau fans, walang kasamang fotog ang dalawa at ayaw nilang isapubliko ang time nila together. Dagdag pa nito, maghintay lang ang mga nagdududa at may mga lalabas ding ebidensya na for real na ang KimPau love team.

Sana lang, natanong kagabi si Kim sa mga tsikang ito sa kanila para siya mismo ang nagkumpirma o nag-deny. Launching kagabi kay Kim bilang endorser ng beauty drink ng Brilliant Skin Essentials na Hello! Melo at sigurado namang hindi lang tungkol sa beauty drink ang mga itinanong sa kanya.

Sana rin, natanong si Kim kung totoong may pelikula silang gagawin ni Paulo na tiyak ikatutuwa ng KimPau shippers. Nauna nang nabalitang gagawa ng movie si Kim sa Star Cinema, ito na kaya ‘yun?

vuukle comment

KC CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with