^

Pang Movies

Richard at Barbie, ‘di na nagtatago

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Richard at Barbie, �di na nagtatago
Barbie

Kumpirmadong sina Richard Gutierrez at Barbie Imperial na raw.

Ito ang rebelasyon ni Ogie Diaz sa kanyang latest vlog.

Pero kaagad niyang nilinaw na hindi raw si Barbie ang dahilan ng paghihiwalay nina Richard at Sarah Lahbati.

“Ayon sa aming very reliable source, walang overlapping na naganap at hiwalay na umano sina Richard at Sarah Lahbati bago pa pumasok sa eksena si Barbie,” pahayag ng talent manager/content creator.

Patuloy pa niya, “last year pa hiwalay umano ang mag-asawa, pareho nang single at co-parenting na lamang sila sa kanilang dalawang anak.”

Ayon pa sa kanyang source ay itong taon lamang daw naging close sina Barbie at Richard.

Nilinaw din daw ng kanyang source na hindi totoong nananakit si Chard ng babae dahil lahat ng naging ex-girlfriends ng aktor ay kaibigan pa rin nito hanggang ngayon tulad nina Anne Curtis at Georgina Wilson.

“Kaya nu’ng time nila ni Sarah, may nabalitaan ka bang may no. 2 si Richard? Wala! Hindi porke hindi nagsasalita si Richard eh siya ang may kasalanan sa hiwalayan. No! Hindi siya nagsasalita anything against Sarah kasi hindi naman ang tipo ni Richard ang makikipag-away sa babae lalo na sa nanay ng mga anak niya,” tsika ni Ogie.

In due time raw ay aamin na raw sina Richard at Barbie na sila na kaya abangan.

Naunang nang kumakalat na spotted sila sa Amanpulo at South Korea.

Sa Amanpulo ay parang gusto pa raw magtago ni Barbie pero sa South Korea ay medyo comfortable na raw ito.

Nagpa-soft launch na rin sila sa gym kaya expected na exclusively dating na sila.

John, tinatayo na ang pangarap

Proud na ibinalita ni John Prats na sinisimulan na nilang ipatayo ng asawang si Isabel Oli ang kanilang dream house.

Sa latest Instagram post ng aktor/direktor ay nagbahagi siya ng mga larawan na kuha mula sa ginanap na groundbreaking ceremony ng kanilang pinapangarap na sariling bahay.

Makikita sa mga larawan na kasama rin ni John ang asawang si Isabel at kanilang mga anak.

 Dumagsa naman sa comment section ang pagbati sa mag-asawang Prats ng netizens and celebrities.

Biro ni Angelica Panganiban na best friend ni John, “Yung room ko na may bar kahit tanggalin niyo na.”

vuukle comment

BARBIE IMPERIAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with