^

Pang Movies

KC, may pa-diamond sa kapatid sa ama!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Nagdiwang ng kanyang first birthday si ­Danielle Amari, ang anak ni Garie Concepcion at Michael Pangilinan. Natural dahil first birthday at noon lang nila inilabas sa publiko ang bata, malaking celebration ang naganap. At natural isa sa mga bisita at dumating ay ang Tita niyang si KC Concepcion.

At niregaluhan niya ng pair ng diamond earrings.

Ipinakita lang ni KC ang kanyang concern at pagmamahal sa mga miyembro ng kanyang pamilya.

Puwede siyang mag-skip sa birthday party na iyon, o magbigay ng hindi ganoon kahalagang regalo.

Pagpapakita iyon kung gaano niya kamahal ang bata na miyembro rin ng kanyang pamilya.

May negosyong alahas si KC.

Sabagay, malapit kasi talaga si KC kay Garie kahit na noon pa.

Hindi naging dahilan para sa kanya ang pagkakaroon nila ng magkaibang nanay.

Mas mahalaga sa kanila na iisa ang kanilang tatay at sila ay magkapatid na tunay.

Maski nga kay Chloe na anak naman ni Gabby kay Jenny Syquia hindi ba dumalo pa si KC sa kasal sa abroad?

At ngayon makikita rin ang kanyang pagmamahal sa dalawa pa niyang nakababatang kapatid na sina Samantha at Savannah.

Kaya naman para sa kanyang mga kapatid, si KC talaga ang kanilang ideal na Ate.

Catriona, inisnab-isnab talaga ang birthday ni Sam

Hindi kami naniwala sa paduda ng kanilang management company na nagkaroon ng reconciliation sina Catriona Gray at Sam Milby.

Kung naniwala kayo sa reconciliation noon papaano ninyo ipaliliwanag na hindi man lang sumilip si Catriona sa birthday celebration ni Sam?

Hindi ba dapat kung nag-reconcile sila kahit na silip man lang sa birthday ng aktor ay ginawa niya?

Kaya maliwanag ngayon tsismis lang ang reconciliation.

Eric, credible na director

May announcement na ang SPEED (Society of Philippine Entertainment Editors),  si Eric Quizon ang muling magdidirek ng kanilang awards night. The EDDYS na mapapanood sa ALL TV Channel 2 at gaganapin sa Ceremonial Hall, Marriot Hotel.

Mabuti naman at ipinagkatiwala nila iyon sa isang director na may kasanayan na talaga sa coverage ng events, at sa isang totoong director talaga.

Baka kung sino pa ang makuha nila at pumalpak din ang kanilang awards.

Ano man ang sabihin ninyo depende kasi iyan sa director sa production company na hahawak ng event at sa mga miyembro lalo na ng samahan.

Kailangan sa mga awards night professional ang handling. Hindi puwede iyong “kaya na iyan.” Lang ang inyong pinanghahawakan.

It pays to be professional.

vuukle comment

KC CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with