^

Pang Movies

Paolo, dedma sa pagsemplang ng Fuchsia…

Gorgy Rula - Pang-masa
Paolo, dedma sa pagsemplang ng Fuchsia�
Paolo Contis
STAR/File

MANILA, Philippines — Hindi na inalam ni Paolo Contis kung magkano ang kinita ng pelikulang Fuchsia Libre nila ni John Arcilla na nag-showing nung Miyerkules.

Expected na raw nilang mahina ito sa mga sinehan.

Pero bago ito pinalabas sa mga sinehan ay wala nang pangamba ang Mavx Productions dahil nabili na pala ito ng Netflix.

Ayaw pang sabihin sa amin kung kailan ito mag-streaming sa Netflix dahil showing pa rin sa mga sinehan.

Pero bawing-bawi na sila rito. Kaya patuloy pa rin sa pag-produce ng Mavx ng mga pelikulang magagan­da, na karamihan ay kuha pa sa ibang bansa.

Samantala, nagna-number one trending pa rin ngayon ang pelikulang Road Trip nina Carmina Villarroel, Janice de Belen, Gelli de Belen at Candy Pangilinan.

Nag-flop man ito sa mga sinehan, pero number one trending pa rin dito sa atin.

Ganun palagi ang nangyayari, na kapag may bagong Pinoy movie na mag-stream sa Netflix, kaagad na number one ito.

Nagkakatalo lamang kung tatagal ka bang trending, at hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa iba pang bansa.

Iyan ang nangyari sa A Journey nina Paolo Contis, Patrick Garcia at Kaye Abad na halos isang linggo ring nag-number one trending at halos isang buwan ding hindi nalaglag sa top 10.

Hindi lang dito sa Pilipinas, kundi pati sa ibang bansa.

Kaya talagang ginagandahan na ngayon ng producers ang mga pelikulang ginagawa nila para makapasa sa panlasa ng Netflix.

Pokwang, mas kumampi sa sardinas!

Si Pokwang ang isa sa pumirma muli sa Sparkle ng GMA Artist Center noong nakaraang linggo.

Ilan sa mga nakasabayan niyang pumirma sa talent management arm ng GMA 7 ay sina Boobay, Elle Villanueva, Kelvin Miranda, Winwyn Marquez, Gary Estrada at Isko Moreno.

At isa siya sa mga dating Kapamilya artists na sinuwerte sa desisyon nilang lumipat.

Pero isa rin siya sa paboritong i-bash nung kainitan ng isyu nila ni Lee O’Brian, pero medyo nalinis na ito ngayon.

Ang latest na kinagiliwan sa kanya ay ang ipinost niya sa Instagram na kung saan ay nag-react siya at pinitik niya ang social media influencer na nandiring kinain ang sardinas.

Hindi raw dapat hinahamak ang sardinas, na paboritong pagkain ng iba at naitatawid daw nila dati ang gutom dahil sa sardinas.

Ipinost niya ang paghahanda ng sardinas para kainin nila ng anak niyang si Malia.

Hanggang ngayong nakakariwasa na siya ay gustung-gusto pa rin daw niya itong sardinas.

Kaya pinuri si Pokwang dito na hindi pa rin daw siya nakakalimot sa pinangga­lingan niya at nandiyan pa rin ang kasimplehan sa buhay.

Hindi malayong mag-endorse na si Pokwang ng isang brand ng sardinas dahil sa daming nag-react sa “sardinas post” niya sa Instagram.

vuukle comment

PAOLO CONTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with