^

Pang Movies

Charo, iba ang titig kay Dingdong

Salve V. Asis - Pang-masa
Charo, iba ang titig kay Dingdong
Charo at Dingdong

MANILA, Philippines — Parang maraming makaka-relate sa ginagawang pelikula nina Charo Santos and Dingdong Dantes.

Lalo na ‘yung ‘titas’ dahil sa ganda ng ngiti ni Ms. Charo sa ipinost niyang photos kasama ang actor na parang bad boy ang character.

“Out of town and on set!

“For me, our job as artists is to serve the story, serve the director, and serve the fellow actors. And if you do that, by osmosis you’ll be serving yourself because you’ll get the best out of yourself.” —Frances McDormand,” buong post ni Ms. Charo.

Nag-umpisa na nga ang CharDong na mag-shooting para sa pelikulang Love After Love.

Carlo at Joshua, magpapagalingan

Gaganap na magkapatid sina Joshua Garcia at Carlo Aquino sa inaabangang local adaptation ng Korean drama series na It’s Okay To Not Be Okay with Anne Curtis.

Kilalang parehong mahusay na actor sina Carlo at Joshua.

Pero mas maraming napatunayan si Carlo pagdating sa pag-arte.

Gaganap sila bilang PatPat at MatMat na ginampanan nina Kim Soo-hyun and Oh Jung-se na sina Moon Gang-tae and Moon Sang-Tae sa original version nito.

Si Joshua si Patpat (Kim Soo-hyun) ay caregiver sa psychiatric hospital at si Carlo si Matmat na mas matandang kapatid ni Patpat na may autism pero magaling na illustrator.

At ito ang magiging konek nila ni Ko Moon-young (Seo Yea-ji) na isang author ng librong pambata na may anti-social personality disorder na gagam­panan ni Anne bilang Emilia “Mia” Hernandez.

Exciting dahil maraming Pinoy fans ang naadik sa kuwento niya.

Ang local version ng It’s Okay to Not Be Okay ay under the direction of Mae Cruz-Alviar  at ipakikita sa mga eksena ang magagandang lugar sa Negros province at Iloilo City. 

CHARO SANTOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with