^

Pang Movies

JM bumawi, binalandra ang ABS!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
JM bumawi, binalandra ang ABS!
JM

Ipinost ni JM de Guzman sa kanyang Instagram ang larawan niyang naka-topless at kitang-kita ang mga abs at fit na pangangatawan na tila sa sagot sa kanyang bashers.

Na-bash kasi nang bonggang-bongga ang aktor nang dumalo kamakailan sa Star Magic Hot Summer 2024 na ginanap sa isang resort sa San Juan, Batangas.

Komento ng netizens, parang napadaan lang daw si JM sa event at sinabihang malusog ang aktor ngayon.

“Busog yata si JM,” sey ng isang netizen.

“Parang naligaw at napadaan lang si JM de Guzman. Lol” sabi naman ng isa pa.

Sa kanyang latest IG post ay super-slim ng aktor kaya naman this time ay pinuri-puri na siya ng netizens.

Narito ang ilan sa comments nila:

“Nice ayan wala na may mag comments na mataba c jm! Ayun ganda na ulit ng katawan..”

“Soooo proud of your progress, em!”

“Killed it bro!”

“Keep it. Up .lodiii. hu u kayo. Mga bashers..”

“Wow ang hot na ni jm”

Ipinost din ni JM ang komento ng isa niyang fan na ipinagtatanggol siya. Anito, “di madali yung ginawa mo pero sinikap mo ang galing mo lods. So proud of you! Ipagpatuloy mo yan lodie gang sa makamit mo yung gusto mo weight….Astig.”

Angeline, ayaw ikumpara kay Pokwang!

Nilinaw ni Angeline Quinto na dalawa lang ang anak ng mister niyang si Nonrev Daquina sa unang nakarelasyon, taliwas sa mga lumalabas na tsismis apat daw ang panganay na anak nito sa iba’t ibang babae.

Sa isa sa mga Instagram posts ni Angeline ay may isang netizen na nagkomento tungkol sa mga unang anak ni Nonrev at sinagot ito ng singer.

Sey ng basher, “ndi m masisi public figure si angge tas yung guy may history na 4 na panganay,,sana nga iba sya,,bka mmya in the end mgrant dn sya kagaya ke pokie.”

Sagot ni Angeline, “I’m sorry, dalawa lang ang naging unang anak niya sa una.”

Pinayuhan naman ng kanyang fans si Angeline na huwag na magpa-stress sa mga basher lalo pa nga ngayon na buntis ito sa 2nd baby nila ni Nonrev.

vuukle comment

JM DE GUZMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with