^

Pang Movies

Buboy kinatatakutan ng mga kalaban, may 14 paresan na!

Gorgy Rula - Pang-masa
Buboy kinatatakutan ng mga kalaban, may 14 paresan na!
Buboy Villar
STAR/File

MANILA, Philippines — Katatapos lang ng Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis kagabi, at ang ipapalit na rito ay ang season 2 ng Running Man Ph na magsisimula na sa May 11 at 12.

Itong Running Man Ph muna ang ipapalit sa timeslot ng Daig Kayo Ng Lola Ko sa Sabado, at sa Linggo naman ay papasok ito bago mag-Kapuso Mo Jessica Soho.

Sa media conference nitong Running Man Ph nung nakaraang Sabado, nasilip namin ang pilot episode nito, at maganda siya.

Mukhang mas maganda ito kesa sa unang season, dahil nakikita mo na kasing sobrang kampante na silang runners, at kaagad namang nakasundo nila ang pangwalong runner na si Miguel Tanfelix.

May focus din kay Miguel ang first episode nito na dapat n’yong abangan.

Ang nakakatuwa lang halos karamihan sa kanila ay inaamin nilang si Buboy Villar ang matindi nilang kalaban dito. Parang threat talaga sa kanila si Buboy.

Inamin nga ni Glaiza de Castro na kay Buboy siya talaga madalas na nainis ‘pag naglalaban-laban sila sa mission na pinapagawa sa kanila.

Basta kay Buboy, mas ini-enjoy daw niya ngayon itong ginawa niya sa season 2 ng Running Man Ph.

Doon pa rin sa mediacon ng Running Man Ph, napag-usapan namin ni Buboy ang negosyo niyang paresan na ang dami pa rin palang branches.

Tinanong ko ito kay Buboy dahil sa sikat na sikat ngayon ang pares ni Diwata na talagang pinipilahan sa isang parking lot sa Pasay malapit sa Senate building.

“Kanya-kanya naman po kasing diskarte ‘yan.

“Meron akong napanood na sabi nila, malayo naman ‘yung lugar ni Diwata sa amin,” natatawang pakli ni Buboy.

Hindi naman daw iniisip na threat sa negosyo niyang Paresan Ni Bok ang paresan ni Diwata.

Meron nang 14 branches ang Paresan ni Bok ni Buboy, na ang iba pala roon ay ipina-franchise niya. At maganda naman daw ang resulta, dahil malakas daw ito.

“Natutuwa naman po ako na bukod sa paresan ko, of course ang paresan ng iba ay successful sa ganitong panahon.

“Kahit mataas ang inflation po ay malakas pa rin po.

“Alam n’yo po, may napanood ako na sinabi ni Diwata na maging inspirasyon ang tao sa ‘yo huwag mong kaiingitan.

“Kung gusto mong kaiingitan, kaiingitan mo ‘yung kung paano ‘yung kasipagan n’ya. ‘Yun po ‘yung gawin nyo,” sabi pa ni Buboy.

Tinanong namin uli si Buboy kung tatanggapin ba niyang mag-paresan challenge sila ni Diwata.

Pagdating sa pasarapan ng pares, tatanggapin kaya niyang ilaban ito sa pares ito ni Diwata?

“Bakit pasarapan? Bakit hindi na lang kami magpakain sa mga taong deserve na pakainin ng pares, kesa magpasarapan.

“Feeling ko mas okay po ‘yun. Sa tingin n’yo po?

“Kasi kung pasarapan ang labanan, baka paramihan na po ng MSG ang kalalabasan niyan!” pakuwelang sagot sa amin ni Buboy Villar.

BUBOY VILLAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with