^

Pang Movies

Tinangging tinitira ang kapitbahay!  

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Nilinaw ni Joey de Leon na hindi patungkol sa kalabang noontime show na It’s Showtime ang mga naging pahayag nila ni former senator Tito Sotto sa Eat Bulaga few days ago.

Sa nasabing episode ng EB ay nilinaw nila na hindi totoo ang mga kumakalat na tsikang nalulugi ang kanilang show at malapit nang magsara.

Matapang pang hamon ni Master Henyo, “umabot lang kayo ng 15 years, baka luluhod ako sa harap n’yo, 15 lang ha, hindi 50.”

Kaya naman marami ang nagpalagay na ang It’s Showtime ang kanilang hinahamon.

Sa kanyang video na inilabas kahapon, nilinaw ni Joey na hindi ang kalabang programa ang kanilang pinatatamaan sa kanyang sinabi.

“Ito’y para lang matapos ‘yung mga usap-usapan,” simula niya. “Unang-una, hindi – hindi ha– namin kaaway ‘yung Showtime. ‘Yung Showtime, matagal na naming kapitbahay ‘yon. Hindi rin kami tinitira, hindi rin namin sila tinitira.”

Patuloy niya, “ang pinapatungkulan namin ni Tito (Sotto) nung nagalit kami sa Eat Bulaga eh ‘yung mga nasa social media na nagpo-post.

“Kaya hinamon ko 15 years, kung tatagal ‘yung mga nagpo-post na ‘yon. Hindi Showtime. Oy, happy anniversary Showtime, 15 years na nga ‘yung Showtime bakit ko hahamunin ‘yon?” sey niya.

Paglilinaw pa ni Master Henyo, hindi sila magkaaway ng katapat na noontime show.

“Mahal namin ang Showtime dahil kasabayan namin. Dadalawa na lang kami, huwag n’yo kaming pagsabungin. Magkakaibigan din kami.

“Ang pinapatungkulan namin ni Tito, ‘yung mga nagpo-post na magsasara na kami. Dadalawa na lang ‘yung show, isasara pa ‘yung isa. At ‘yung isa ‘yun ‘yung… well, hindi naman sa pagmamayabang – longest running. Top 5 nga sa mundo eh,  kaya thank you. Kasama kayo doon sa honor na ‘yon,” he said.

‘Yung mga nagpo-post daw sa social media tulad ng Instagram, Facebook at YouTube ang kanilang sinasabihan.

“Sa social media, ‘yung mga salbahe doon,” aniya.

“Kaya para malinaw, talagang luluhod ako, didipa pa ako kung maka-15 years ‘yung mga tsismoso na ‘yon, ‘yung mga sinungaling na ‘yon. Pero ‘yung Showtime, we love you.

“Hindi kami magkaaway at nagtatrabaho lang kami, ‘Yun lang ‘yon. Ganun lang kalinaw, nililinaw ko lang kasi hahaba pa ‘to, eh. ‘Yung iba nilalagyan na ng kulay, pinagsasabong.

“Nagtatrabaho lang po kami po kami, dadalawa na lang kaming lunch shows. We love each other. Matagal na, mahigit isang dekada na kaming magkapitbahay.

“So ‘yun lang po. Inuulit ko, ‘yung mga nagpo-post na sinungaling sa social media, ‘yun ang mga buwisit, ‘yun ang mga pinapatungkulan namin. Okay?” pahayag pa ni Joey.

Anak ni Angelica, hopia pa rin sa ama

Mukhang mase-settle na rin finally ang problema ni Angelica Jones sa tatay ng kanyang anak na matatandaang last year pa niya nirereklamo.

Nakausap namin si Angelica sa premiere night ng When Magic Hurts recently at nagbigay siya ng update tungkol sa kaso nila ng kanyang dating partner.

“Sa ngayon po, may both parties na nag-uusap, may nagme-mediate, so let’s see po kung ano ang mangyayari,” aniya.

Hindi pa raw siya makapagbibigay ng detalye ngayon dahil nga may pag-uusap pang nagaganap.

Matatandaang inirereklamo ni Angelica na ayaw kilalalanin ng ex-partner ang anak nilang si Angelo Alday at ayaw pirmahan ang birth certificate nito.

Pero sa bagong development ngayon, aniya ay nakipag-communicate na rin sa wakas ang kanyang ex-partner at willing na itong pumirma sa birth certificate ng kanilang 11-year-old son.

“May nire-request po ‘yung tatay ni Angelo na willing naman daw pumirma basta may papalitan lang du’n sa documents,” pagbabahagi ni Angelica.

Kapag natapos na ang pag-uusap ay saka pa lang daw niya masasabi kung magpa-file pa siyang kasong child support laban sa ama ng kanyang anak.

Kasama rin ni Angelica sa premiere night si Angelo na pinasok na rin ang show business. May commercial na raw ito at may guesting ding naka-schedule sa Family Feud.

Samantala, sa When Magic Hurts na malapit nang ipalabas sa sinehan ay ginagampanan ni Angelica ang papel na ina ng bidang si Beaver Magtalas. Kasama rin sa movie sina Mutya Orquia, Maxine Trinidad, Dennis Padilla, Claudine Barretto at marami pang iba. Ito ay mula sa direksyon ni Gabby Ramos under Rems Films.

JOEY DE LEON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with