^

Pang Movies

Mother Lily, ayaw nang makialam sa Regal

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Mother Lily, ayaw nang makialam sa Regal
Mother Lily
STAR/File

Walong pelikula for this year ang naka-line up ng Regal Entertainment.

Ayon kay Ms. Roselle Monteverde na minana ang pagpapatakbo ng Regal mula sa kanyang inang si Mother Lily Monteverde, naghihintay na lang siya sa availability ng mga artista para umpisahan ang mga pelikula.

Ilan ang naka-line up ngayong April?

“Kasi we have Untold, it’s a horror movie. And then... Siguro mga 8.”

For this year? So lahat ‘yan ongoing na? Isho-shoot na lahat? “Hindi pa. Sa May ‘yung iba, sa July ‘yung isa,” banggit ni Ms. Roselle nang makausap namin sa media conference ng pelikulang Guilty Pleasure starring Lovi Poe, JM de Guzman and Jameson Blake.

Sino ‘yung ibang artista or bibida sa pelikula?

“We have Jodi Sta Maria and of course, si Jane de Leon, Janella Salvador and Jane, FranSeth (Francine Diaz and Seth Fedelin). Si Jodi for the horror and there might be a co-production with ano... Ayaw ko munang sabihin kasi inaayos pa namin,” dagdag niya.

Bakit mo naisipang FranSeth? Sikat sila pero wala pang pelikula or big project? “Napapanood ko sila like sa Dirty Linen. Of course, ‘yung characters kasi na hinahanap namin, perfect sa kanila.”

Pero kasama ba sa eight movies ‘yung pang-MMFF ng Regal? “Hmmm yes. I think so. Tatanungin mo pa ako about that. Hindi ko pa alam eh. Wala pa talaga ako... hindi ko pa rin alam kung anong ipapasok namin,” sagot niya.

Maalalang last year ay hindi nakasali sa official entries ang kanilang Shake, Rattle and Roll.

Sasali pa ba sila? “Hindi ko alam parang maybe parang I don’t know. Parang I don’t really want to plan anymore but we’ll see. Kung ano na lang,” katwiran niya.

Dahil hindi na lang sa sine ngayon ang mga pelikula ipinalalabas, pakiramdam niya ay mas may advantage ito sa mga tulad nilang producer na talagang tuloy sa paggawa ng mga pelikula kahit na malungkot ang kapalaran ng local films sa mga sinehan.

Bakit advantage na may streaming ngayon? “Very advantageous naman siya kasi halos lahat naman ng tao you know they kinda change their habit in watching movies na hindi na sa cinema pati na rin sa mga digital platform eh. So kailangan mo talaga na may digital platform kasi other people would rather be comfortable sa bahay nila. Nanonood na lang ng movies sa televisions, sa streaming parang on demand talaga sya, anytime they want to watch, they can watch.”

By the way, kumusta na si Mother Lily? “Very advantageous, naman sya, kasi halos lahat naman ng tao, you know, they kind of change their habit of watching movies na hindi na sa cinema pati na rin sa mga digital platform. So kailangan mo talaga na may digital platform, kasi other people would rather be comfortable sa bahay nila. Nanonood na lang ng movies sa televisions, sa streaming parang on demand talaga siya, anytime they want to watch, they can watch.”

Pero nanonood pa siya ng TV o nagsasabi ‘oh Roselle gawan mo ito ng movie?’

“Parang ayaw na niya.”

Sa local showbiz industry, hindi-hindi maaring balewalain ang pangalan ni Mother Lily.

Isa siyang haligi na may maliwanag na ilaw at nakakabit na ang pangalan ang pangalan ni Mother Lily Monteverde sa Regal Entertainment, Inc.

Taong 1962 nang itatag niya ang nasabing movie company na pinamahalaan niya ng more than 60 years, pero ngayon nga hawak na ni Ms. Roselle kumbaga ang baton at nagpapatuloy upang makamit at matupad ang vision at pangarap ni Mother Lily para sa Regal na nakapag-produce ng napakaraming pelikula at nagpasikat ng maraming artista.

REGAL ENTERTAINMENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with