Gela, emosyonal kina zanjoe at ria
Binigyan pala ng mensahe ng anak ni Sylvia Sanchez na si Gela Atayde ang bagong kasal na kapatid na si Ria Atayde at mister nitong si Zanjoe Marudo.
Marami ang ginulat nang magpakasal sa isang civil wedding ceremony sina Ria at Zanjoe. Pero isa sa pinakamasaya sa pagpapakasal nila ay ang kapatid ng aktres na si Gela.
Two days late na itong nag-post ng kanyang mensahe sa dalawa upang batiin at isahan na lang ang ginawa niyang pagbati dahil birthday rin ng kanyang Ate Ria nung ikasal sila.
Sobra ang kanyang pasasalamat na hindi lang niya ito ate kundi tinawag niya ring“my second mom, my mentor, and my closest confidante all in one.”
Hindi naman niya nakalimutang pasalamatan ang kanyang Kuya Z na si Zanjoe na official niya nang kuya ngayon.
“Your strong family values have always been a source of comfort, knowing that you would take care of not just my sister, but us siblings and your future family as well.
“Congratulations to the both of you. My heart is at peace in knowing that my sister is being entrusted to someone as loving and lovable as her,” mensahe niya rito.
Kaya naman sobrang emosyonal daw talaga niya at kinailangan niya ng isang box ng tissue na inaming iyakin daw talaga siya. Bongga.
- Latest