^

Pang Movies

Albie, may galit pa rin kay Jaclyn?!

Gorgy Rula - Pang-masa
Albie, may galit pa rin kay Jaclyn?!
Albie Casiño
STAR/File

MANILA, Philippines — Diretso ang sagot ni Albie Casiño na hindi niya binalak na pumunta sa burol ni Jaclyn Jose dahil sa tingin daw niya ay hindi siya welcome.

Humarap si Albie sa ilang miyembro ng entertainment press para sa pelikulang Kasalo na mag-streaming na sa Vivamax sa March 26 kasama ang co-actors niyang sina Rash Flores at baguhang sexy artists ng Vivamax na sina Vern Kaye at Mia Cruz.

Nailusot ni Kuya Jun Nardo ang tanong kay Albie kung nakiramay ba siya sa pamilyang naiwan ni Jaclyn Jose.

Aware naman ang lahat na idinawit si Albie sa pagdadalangtao ni Andi Eigenmann, dahil siya ang unang itinurong ama ng ipinagbubuntis nito.

‘Yun pala si Jake Ejercito na malapit naman talaga kay Jaclyn.

Kapag napapag-usapan si Andi, halatang hindi pa rin kumportable si Albie. Nakikitang masama pa rin ang kanyang loob.

“Una muna, I wanna say rest in peace to Ms. Jane, at saka condolences sa lahat na nagmamahal sa kanya.

“Pero like… hindi naman ako apektado.

“I don’t think my presence would be welcome there. So, ba’t naman ako makikiramay, ‘di ba?”

Naging totoo lang si Albie sa kanyang pahayag.

Allen, naglakad na hubo’t hubad!

Lalong nae-enjoy ngayon ni Allen Dizon ang role niya sa toprating afternoon drama na Abot-Kamay na Pangarap.

Wish nga niyang sana humaba pa ang partisipasyon niya rito.

Pero nakakapagod lang daw kung ikukumpara sa ginagawa niyang pelikula. Ang maganda lang daw marami siyang taping days sa naturang serye.

Pero iba pa rin daw ang fulfillment ng pelikula bilang isang aktor.

Kagaya nitong pelikula niyang Abe Nida, ibang challenge rin daw sa kanya ito na kung saan pumayag siyang maglakad ng hubo’t hubad.

Naka-plaster naman daw siya, at meron pang ikinabit sa kanya na prosthe­tics penis. “Hubo’t hubad ako, tapos meron pa akong plaster at saka may fake na ano… may prosthetics,” sabi na aktor na nakilala sa mga indie movie.

vuukle comment

ALBIE CASIñO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with