^

Pang Movies

Ryan ni Ate Vi, hinahanda na sa pulitika

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Ryan ni Ate Vi, hinahanda na sa pulitika
Ryan Christian Recto

Pinakanta naman sa isang gathering kaugnay ng Barako fest ng Batangas si Ryan Christian Recto at marami na agad ang nabuong ispekulasyon na maaaring siya ang kasunod na pumasok sa pulitika sa Batangas. Ngayon ay si Secretary Ralph Recto ay nasa gabinete na ng presidente at hindi naman siya maaaring basta umalis doon.

Si Ate Vi (Vilma Santos) naman ay nagdeklara nang siya ay isang private citizen of showbiz kaya ang tanong nila ay sino ang Recto na maiiwan sa Batangas? Si Ryan na nga kaya iyon?

Ipinakita naman ng mga mamamayan ang kanilang suporta sa local party na itinayo ng mga Recto ang One Batangas na noong nakaraang eleksyon ang mga kandidato ay karamihan unopposed.

Pero nang tanungin siya sa posibleng pagsabak ni Ryan sa pulitika, napangiti na lang din si Ate Vi.

“Eventually siguro he will follow the footsteps of his father, pero mukhang hindi pa naman sa ngayon, we want him to enjoy his life muna as we enjoy our lives with him. Kung magiging public official iyan, baka hindi na namin iyan makita sa bahay, kasi iyang si Ryan basta may kailangang gawin pangangatawanan din niya,” sabi ng Star For All Seasons.

“But then desisyon niya iyan at bahala na ang Diyos. Pare-pareho naman kami naniniwalang kung saan kami dadalhin ng Diyos doon kami,” sabi pa ni Ate Vi.

Lucky day… ni Luis, ibabalik?!

Sa paglipat ng It’s Showtime sa time slot na naiwan ng Tahanang Pinakamasaya ngayon ay opisyal na nga ang desisyon na lilipat na ang Showtime sa noontime slot ng GMA 7.

Ano naman ang ipapalit ng ABS-CBN sa maiiwan nilang slot sa ZOE TV at sa kanilang cable channel? Hindi naman siyempre ok sa GMA 7 iyong naka-simulcast pa rin iyon sa ibang network at kanya-kanyang benta pa rin ng commercials.

Kaya nagkakaroon naman ngayon ng usapan na baka ibalik nila ang It’s Your Lucky Day ni Luis Manzano after all marami ang nagkagusto roon at mataas din ang ratings sa loob ng dalawang linggong pinalitan noon ang Showtime.

Ibig sabihin niyan, kung sakali maglalaban ang dalawang ABS-CBN shows kontra sa Eat Bulaga ng TVJ.

Hindi naman natitigatig ang TVJ dahil mayroon pa silang post programming backup dahil nasa kanila na ngayon sa TV5 ang dati nilang mahigpit na nakalabang si Willie Revillame na nagbabalik na sa TV5 matapos na pumalpak din ang usapan nila ng PTV 4 at IBC 13.

Rayver, ayaw tantanan!

Ipinagtanggol naman ni Julie Anne San Jose si Rayver Cruz doon sa video nila na kung saan mukhang napakakulit ng actor sa kanilang live stream.

Nagpaliwanag naman si Rayver na talagang makulit siya sa personal, at ang nakita naman ng mga tao ay live stream ng isang rehearsal. Dahil rehearsal lang natural na ang kulitan. May mga nagpipilit namang mukhang lasing daw si Rayver kaya ganoon kakulit.

Kaya nga si Julie Anne na ang nagsasabi ngayon na sana tigilan na nila ito. Dahil ang nakita nga nila sa video ay natural na kulitan lamang nila habang rehearsals, walang lasing na sino man at talagang ganoon sila.

RYAN CHRISTIAN RECTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with